* * *
Sumapit na ang gabi sa tahanan ni Paolo. Balot ng pheromones ang loob ng Play Room habang abala naman sa kanya-kanyang gawain ang iba. Bagong pares ng mga bantay ang nakatayo sa labas ng silid habang nasa loob si Paolo ng kanyang laboratoryo. Nililibang niya ang kanyang sarili sa pag-eeksperimento kung paano baguhin ang kakayahan ng isang vampirized.
Ang kakayahan ng bampira ang siyang nagdidikta kung saang kategorya sila nabibilang. Tanging palatandaan lamang ng kinabibilangan nilang kategorya ang mga prutas na nalalasahan nila, at ang kakayahan talaga ang tunay na basehan nito. May mga alpha na kahit malakas ay pinipiling hindi sumabak sa labanan. Ganoon din ang mga beta na kahit kulang sa lakas ay gamit-gamit naman nila ang kanilang talino para makipaglaban. May mga gamma rin na kahit hindi pinagpala ng lakas at talas ng isipan ay masisipag naman sa trabaho at may ibang nangunguna pa sa labanan. Nais ni Paolo na gumawa ng artipisyal na alpha gamit ang mga vampirized na tao. May teorya kasi siya na dahil na-expose na sa vampire essence ang cells ng mga ito ay madali na lang mabago ang iba pang genetic codes sa DNA nila. Ngunit para magawa ito ay kinakailangan niyang makakuha ng sample ng dugo ng Supreme bilang siya ang may pinakamalakas na dugo sa lahat ng bampira at direkta rin na nagmula sa mga sinaunang bampira. Syempre, pahirapan ang makakuha ng dugo ni Maximilian, nihindi pa nga niya ito nakikita sa personal. Isa pa, hindi pa niya tapos obserbahan ang genetic mutation na kanyang sinusubukan. Kaya sa madaling salita ay hanggang pangarap na muna ang research na ito.
Sa kalagitnaan ng pagbabasa niya ng mga libro tungkol sa GMO o mga Genetically Modified Organism ay narinig ang malutong na katok sa kanyang pinto.
"Who's that?" tanong ni Paolo na hindi man lang inalis ang mata sa libro.
"Si Sedric po, Master," tugon ng tao sa labas.
Kumislot naman ang kanyang kilay nang marinig ang boses ng nagngangalang Sedric. Hinubad ni Paolo ang suot niyang salamin sa mata at inilapag ang libro sa lamesa.
"Pasok," utos niya rito.
Bumukas din naman ang pinto at iniluwa nito ang lalaking maputi, at maliit. May maganda at balingkinitan siyang hubog ng katawan. Ngayon na tuyo na ang kanyang buhok ay makikita na kulot ito. Suot niya ang isang puting t-shirt na halos maging bestida na sa laki nito para sa kanya. Nagmistulan din siyang multo sanhi nito.
"Ooh la la~ Bernard will surely love your appearance," puri ni Paolo sa kanya habang pinormang fram ang hintuturo at hinlalaki ng kanyang dalawang kamay. Sumeryoso rin kaagad ang kanyang mukha sabay sabi ng, "Get his dinner in the kitchen. The chef knows which tray it is."
"Yes, Master," maikling sagot ni Sedric bago yumuko at iniwan na si Paolo sa silid.
Bumalik naman sa kanyang pwesto si Paolo at nakangising nagwika sa sarili ng mga katagang, "Tsk. Tsk. Tsk. Bernard likes the feminine type, why didn't he just take a woman?" Nagkibit-balikat siya. "Well, maybe they taste different... But I'm not interested to try. Woah. That thought was dangerous!"
Sa kabilang banda ay nagtungo na ng silid ni Bernard si Sedric. Bitbit niya ang tray na may laman na ginisang gulay, roast beef, isang bote ng mamahaling wine, at wine glass. Walang duda, ito nga ang pinangako ni Paolo na hapunan sa kanya.
"Master Bernard? Ito na po ang hapunan niyo," magalang na tawag ni Sedric kay Bernard pagkatapos niyang katukin ang silid nito.
Hindi niya narinig na sumagot ang tao sa loob pero agad din niyang narinig ang pag-pitik ng lock ng pinto. Bumukas ito ng kusa at bumungad sa kanya ang isang lalaki na malamang ay hindi si Bernard. Nakasalamin siya at may suot na itim na suit saka earpiece sa tenga.

YOU ARE READING
Taming the Vampire
VampireMiller grew up privileged. Mayaman at iginagalang ang kanyang mga magulang, gayunpaman, nagbago ang lahat nang malugi ang kumpanya ng kanyang ama. Worse, his mother died. When the course of his luxurious life suddenly maneuvers to downfall Miller re...