Hindi parin ako makapaniwala. Si Kenneth ngingiti saakin!? Eh pag nakikita ako nun parang gusto nya akong awayin.
Well nangyari na, pero lalo syang gumagwapo kapag nakangiti! Hay! Ano ba itong pinag iisip ko?!
Pagkatapos ng P.E namin. Nagpalit agad kami ni Patricia, dahil nga hindi kami kumportable! Jusko ang ikli! Kainis.
"Alex, libre mo nga ako!"
"Tseh! tinatamad akong manlibre ngayon."
Tapos niyakap nya ako.
"Daliii na alex! Nagugutom na ako!"
Mayaman rin naman itong si Patricia pero bakit kaya siya laging nag papalibre?
"Heh! Ayaw ko! Mayaman karin naman pero ang kuripot mo!"
"Eh!"
**
Ang bagsak libre ko parin sya! At nakita pa namin si Candy kumakain mag-isa.
Umupo kami dun. At nagulat sya.
"Hello Candy!" Masiglang bati ni Pat.
"Ah- Helloooo din!" Bati rin sa kanya ni Candice na nakangiti.
"Candy pwede ba kaming umupo dito?" Tanong ko.
"Heh! Nakaupo na nga kayo nagtatanong ka pa!" sabi ko nga pilosopo sya -.- Leche.
"Ha-ha-ha *fake laugh* natawa ako sa joke mo Candy, siguro mga tatlo!"
"Talaga? Nabilang mo?" Tanong nya. Pffft.
"Nabilang ko nga! Tatlo nga diba! kakasabi ko lang bleeh!" Sabi ko at tumawa.
Tapos umorder na kami ni Patricia.
Kumain kami habang nagkukwentuhan. Tapos may pumasok sa isip ng dalawa kong kaibigan na mag-trip daw. Teka kelan pa naging konektado ang mga utak nila?
"Guys, Truth or dare tayo!" Sabi ni Pat.
"Tss. Nag guys ka pa eh ako lang naman tinatanong mo, mag ka konektado kamo utak ninyong dalawa diba?" I said sarcastically. Tss.
"Hehe Sorry na Alex! Tara!"
Tapos naglabas sya ng plastic bottle mula sa bag nya. Hindi naman sya prepare noh?
Inispin nya yung bottle. Tapos tumapat kay Candy.
"Candy, Truth or Dare?" Tanong ni Pat.
"Uhm truth?" Sabi nya
"May crush ka ba sa Dangerous Three at sino yon?" Tumataas baba pa yung kilay nya. Sarap sunugin. Hahahaha joke lang.
"Uhm, M-meron si..K-- Angelo!" Sabi ni Candy.
"Huh? Si Angelo!? Eh diba kapatid mo yun?" Takang tanong ni Patricia.
"Oo nga! eh ano ba meaning ng crush diba paghanga? Hinahangaan ko kapatid ko kasi ang bait nya sakin." Pilosopa talaga noh?
"Tseh! i-spin mo na yung bottle." sabi ko kay Candy
Inispin nya tapos tumapat sakin.
"Truth or dare?" Nakangisi siya habang nagtatanong, nako!
"Dare." Tapos nagliwanag yung mukha nya na para bang nakita nya yung crush nya. Tss.
"Dare, Papayagan mo akong make-up-an ka! Muahahaha."
"Eh! Truth nalang!" Pagpupumilit ko.
"Heh! Wala na! I already given my dare to you. Sa ayaw at sa gusto mo mamakeupan kita!"
"Tseh, Leche ka! Ayaw ko!" Sabi ko.
"Heh! Wala na!"
**
Candice's Pov
Mwahaha. Ako si Candice Alonzo or in short, Candy. Brother ko si Angelo Alonzo na isa sa mga Dangerous Three. Sa una nagtataka ako why na nakasali sya dun eh mukha naman siyang maamong pusa. Sabi niya Tigre daw siya! Hindi pusa. Pinaglaban pa talaga niya, Lol!
Bestfriend ko naman si Alexandra. Natuwa talaga ako ng malaman ko na schoolmate pala sya!I miss her so much, as in!
I know rin na ayaw nya sa make-up at once nya lang na try or minsan lang so I want to do make up her. To reveal her inside beauty! She's gorgeous kaya! Kaso nga lang, she didn't know how to take care herself, I mean about beauty thingy.
And like duh! Kahit hindi sya gusto ng pamilya nya, ako like ko parin sya. Kase she's stay by my side, in the tough times that I needed someone to be here with me.
So, I promise to myself, that she wil be known for her beauty, not that being known for being one of the students being suffer by bullies!
Kyaah! I'm so excited!
BINABASA MO ANG
That Poor Girl [On-Going]
Teen FictionPoor Girl, being poor in family, in attention, in everyone, and in love. By: needingyourkisses