Hindi ko malimutan yung gabing iyon. Kasi simula niyang magtapat sa akin, iniiwasan ko sya. Dahil hindi ko rin alam itong nararamdaman ko. Kaya umiiwas muna ako sa kanya. At baka sakaling malinawan 'rin ako sa nga nangyayari.
Hindi ko narin muna pinapansin si Patricia. I mean iniiwasan ko sya. Kasi i'm sure naman na mahahalata niya that I have a problem, and hindi niya ako titigilan.
Hay. Kaya eto ako ngayon, kumakain ako mag-isa sa rooftop ng university. Para hindi nila ako makita. I just want to be alone.
Naiinis nga ako sa sarili ko. Naranasan ko na naman mainlove- kay Alexander nga, or is it just a puppy love? pero bakit ngayon, parang hindi ko na alam? Ano bang nangyayari sa akin? Hay.
And isa pa sa bumabagabag sa isip ko, kung bakit sakin sinabi ni Ate 'yon. Yung gabing nanalo ako sa pageant. Ano kayang dahilan niya? At sinampal nya rin ako?
Despite of all things she done to me, I will always love her. No matter what happen, she remain as my sister. But hindi ko maiiwasan ang magalit. Kasi bakit nila ako ginaganito right? Did I do something wrong? Sheesh.
Tinignan ko sa cellphone ko kung ano oras na. It's 12:56. Mag o-one na rin pala. Bumaba na ako at dumiretso sa room. Balik ako sa pagiging tahimik. Ayoko muna sila kibuin. Nagbasa nalang ako kunwari ng mga libro, pero ang totoo para hindi ako mailang sa pagtitig nila. Oo it is NILA. Lahat sila ay nakatingin ay wait nakatitig sila saakin. Siguro kung nakakalusaw lang ang pagtitig? Malamang sa malamang lusaw na ako. Aish! Pagtutusukin ko na talaga mga mata nila.
**
Inaya ako ni Candy na magmall raw kami bukas after ng class. Pumayag naman ako kasi once in a blue moon lang yan mag-aya dahil nga busy sya. Nagulat nga ako nung nag-aya siya kase hindi niya parin ako pinapansin.
Pagkatapos ng uwian, dumiretso agad ako sa condo ko. Hmm, di naman ako nalulungkot na mag-isa lang ako, kase dati pa man kahit nasa bahay nila ako, ganun din, parang mag-isa lang din ako.
Nagluto ako ng pasta, para sa spaghetti. At meron din akong ice cream sa fridge. Yay! Tapos manonood ako ng Mr. Bean ghad! Perfect match.
Umupo na ako sa couch, at nagsimula ng mag play yung video. At kumakain na rin ako.
*doorbell rings* Aish! Sino naman 'to? Panira psh!
Binuksan ko yung pintuan ng unit ko at, "Bakit? Anong ginagawa mo dito?"
BINABASA MO ANG
That Poor Girl [On-Going]
Teen FictionPoor Girl, being poor in family, in attention, in everyone, and in love. By: needingyourkisses