Alexandra's Pov
*kroo*kroo*
*kroo*kroo*
Binasag ni Patricia yung katahimikan.
"Uh, Miss? ano pong kailangan ninyo?" Tanong ni Pat sa'kin.
"Pffft." Humagalpak na ako ng tawa. Seriously!? Miss ang tawag sakin ni pat!? Napatingin ako sa damit ko.
O-o
Pambihira! Pinalitan ni Candy yung jeans ko. Nooooo! Pinalitan niya ito ng black velvet skirt?!
Tinignan ako ng mabuti ni Patricia.
"Alex!?" She ask as she shrieked.
"Uh, oo." Tapos niyakap nya ako.
Ano bang problema nila sakin sa tuwing nakikita nila ako pinapatay nila ako sa pagyakap nila. -_-
"Ang ganda mo bessst!"
"Ha!? Mayroon ka ng bagong bestfriend!?" Tanong ko.
"Urur! Ikaw yon!" Sabay palo niya sa braso ko.
"Ha!?" Nagtatakang tanong ko.
"Natapos na ni Candy yung dare nya sa'yo at successful!"
"Ah o.," gets ko na kung bakit -.-
"Uh,pwede mo na ba akong paupuin?"
"Ah oo naman friend!"
Tss. Nagsimula na naman ang ingay sa room namin. Ano kayang itsura ko!? Mukha na'rin ba akong clown!? Arghhh!
'Ang ganda nya pala ano?'
'Mukha syang anghel'
'Malanding yan!'
'Mas maganda sya sa ate nya'
Teka!? Sino bang pinag-uusapan nila!? Badtrip ako dahil naka skirt ako. Pambihira!
Inaayos ko yung bag ko tapos humarap ako nang bigla akong ikiss ni gelo sa pisngi. Siomai!
*blush*blush*
"Ang ganda mo Alex."
*dub*dub*dub*dub* ano itong nararamdaman ko!?
Hindi na 'to magandaaa!
"Ah.. eh.. ih.. oh.. uh..!?" Hahaha.
"Ah .. eh .. salamat!?" I smile awkwardly, eh kasi naman!
"Hahahaha. Ang cute mo tapos ang ganda mo rin pala!" Then she pinch my cheeks.
*dub*dub*dub*
**
At eto nandito ako sa gym, para sa nalalapit na Pageant.
"Okay all candidates aren't you inform that tomorrow are your biggest night?"
Biggest night!? Aba kelan pa lumaki ang gabi!? Never pa nangyari 'yon. Hahaha lol.
Okay lumalabas ang kapilosopohan ko. -_-
"Uy Alex!" Si Nicole.
"O Nicole!"
Niyakap nya ako.
"Alex! Bukas na yung pageant sana manalo ako! Para mapansin na ako ni Kenneth .Matagal ko na itong hinihintay. Kelangan ko maging perfect bukas kasi makikita nya ako at dahil sila ang may-ari ng university ay judges sya!. Pati rin pala ang Dangerous Three. By the way, Hey alex wala ka ba talagang crush?"
"Wala.... kase pare-parehas lang naman sila." I said habang nakangisi ako ng hilaw.
"Ajujuju! Ewan ko sayo Alex! Pero handa ka na ba para bukas? may damit ka na ba? Ano?"
"Wala pa." kalmado kong sagot.
"ANO!? BAKIT WALA PA!? DAPAT MAYROON NA! ANO KA BA!" teka kelan pa sya naging nanay aber?
"Tss."
**
Nakita ko si Candy.
"Oh Alex why naka busangot yang face mo!?" She said innocently.
"Eh paano kase pinalitan nung magaling kong kaibigan yung jeans ko ng skirt diba?" Sabi ko.
"Ayuyuyuy! Oy best tomorrow na pala yung pageant ha?"
"Ay ngayon mo lang nalaman? Ako kanina pa."
"Ay! Nagmamaldita ang Dyosa! I'm going to make you treat nalang? Is that ok with you?" She asked.
Kunware nag-isip pa ako.
"Uh, Hindi!"
"Pag hindi ka pumayag ako mag-aayos sa'yo bukas?"
"Edi ikaw!"
**
Uwian na at papunta na ako sa tambayan nila Candy. Kase sabi nya sya raw bibili ng gamit para bukas.
Kumatok na ako.
Ang nag bukas ng pintuan ay si Josh.
"Oh Alex ikaw pala, anong ginagawa mo rito?tara pasok ka na muna." sabi nya.
"Ah, si Candy talaga sadya ko, kasi sasamahan niya ako bumili ng mga damit para bukas sa pageant."
"Ay kasali ka?" Tanong nya. Hay! Kakasabi ko lang diba?
"Oo, di mo na alam?" Tanong ko.
"Hindi eh, pero good luck Alex." tapos hinug nya ako. Nang pagkatapos ng hug sakin Josh, saka ko naman nakita si Candy galing sa taas.
Nakita ko si Candy na parang nag iwas ng tingin? O guni guni ko lang?
"Uh,Tara na Candy." Anyaya ko sa kanya.
"Sige." Sabi niya, at lumakad na kami paalis sa chilling place nila.
**
Nandito na kami ngayon sa Department Store, at nako! Si Candy! Jusmiyo! Halos lahat ata ng gown, ay ipinasukat sa akin! Mayroon siyang kinuha na red velvet long gown. At may black din with a dazzling sequence.Kumuha kami ng pang sports tapos ang pinili nya sakin is basketball, ayun lang kasi yung nandoon eh. Ang saya ko nga eh. Hindi ba masyadong masaya kapag ganoon? Lol. Tapos halos lahat ng accesories na makita nya, nilagay nya sa cart. And Cosmetics, na naman! Arghh!
Pagkatapos namin bumili, hinatid na nya ako sa bahay NILA.
"Salamat Candy."
"Walang anuman Alex, Basta para sayo." Sabi niya ng nakangiti bilang tugon! At Himala! hindi sya conyo.
BINABASA MO ANG
That Poor Girl [On-Going]
Teen FictionPoor Girl, being poor in family, in attention, in everyone, and in love. By: needingyourkisses