CHAPTER 22
*KRISHA’s POV*
(Sunday morning—1 week and three days after the last scene)
Ang sarap talaga sa pakiramdam yung pinapawisan ka sa umaga. Sabayan mo pa yung sariwang hangin na nalalanghap mo, pati na ang relaxing na song na naririnig mo.
Kung nagtataka kayo kung san ako ngayon, well andito lang naman sa subdivision namin at nagja-jogging habang naka-earphones at pinapakinggan ang cannon in D sa iphone ko.
Hayyy… masyadong maraming nangyari netong mga nakaraang araw at ngayon ko na lang ulit nagawa ito.
“Krish!!!”
Hmmnn… may tumatawag ba sa akin o guni-guni ko lang yun? (--,") Hayaan na nga.
Nagpatuloy lang ako sa pagja-jogging at…
“KRISSSHHHH!!!” rining kong sigaw sa pangalan.
Ehh??? May tumatawag nga sa akin.
Tumigil ako sa pag-jog at tsaka lumingon. Agad namang bumungad sa akin ang imahen ni Kyle. Pawis na pawis din siya at kasalukuyang tumatakbo papalapit sa akin.
Shit! Ang hot niya talaga!
*iling* iling* iling*
“Taken na yan Krish, kaya wag ka nang mag-iusyon tungkol sa kanya! At wag na wag ka nang maa-attract sa kanya!”sabi ng subconscious mind ko!
“Yo!” sabi pa ni Kyle habang hinihingal ng todo nang tuluyan nang makarating sa kinatatayuan ko.
“Y-yo!”parang ewan ko naman na sagot sa kanya.
Hindi muna sumagot sa akin si Kyle dahil abalang-abala siya sa paghabol ng hininga niya. masyado ata siyang napagod!
Nang maayos na ang pakiramdam niya eh tumayo siya ng diretso saka tinignan ako. Yung mga tingin niya na para bang matagal ng hinahanap ng mga mata niya ang imahen ko. Yung maiitim na mga mata niya na tuwing napapako sa akin eh unti-unti namang tinutunaw ang buong katawan ko. All this time hindi pa rin talaga nagbago ang pagtingin ko kay Kyle!
Shet! I’m such a great pretender! Di ko lubusang maisip kung pano ko nakayanang manatiling kaibigan niya habang ang puso ko eh halos sasabog na sa sobrang manhid niya!
“Snap out of it Krish! May date ka pa mamaya! Cheer up!” sabi ulit ng subconscious ko.
“Krish? Krisha Lee? Nakikinig ka ba?” nagtatakang tanong sa akin ni Kyle. Mukhang kanina pa yata niya ko kinakausap. Sadyang abala lang ako sa pagmumuni-muni at di ko siya napansin.
“Uh? Ano ulit yun?”tanong ko pa.
“Sabi ko dumaan ako kanina sa bahay niyo para sabay na sana tayo mag-jogging. Nauna ka na pala!”sabi pa niya.
“Ahh… eh malay ko ba busy ka na naman kaya din a kita niyaya!” Sagot ko naman.
Yup! Simula nung nagging sila ni Gwen di ko na masyadong nakakasama si Kyle. Tuwing niyaya ko siya na mag-gimik at gawin yung mga bagay-bagay na karaniwang ginagawa naming, lagi niya na lang sinasabing “may lakad kasi kami ni Gwen” o di kaya “pinapapunta ako ni Gwen dun sa pad niya.” siguro mas mabuti na rin yun, para mas madali ko siyang makalimutan!
“Asus! Etong batang to oh, nagtatampo!”panunukso pa ni Kyle at kiniliti pa ako sa may tagiliran ko.
“H-hindi noh!”naiilang na sabi ko sa kanya.
Tumigil siya sa pang-aasar sa akin at agad na iniharap ang mukha niya sa mukha ko. Nakatingin lang siya sa akin na para bang sinusuri niya ang mukha ko.
BINABASA MO ANG
My Best Friend was My Ex-Boyfriend
ChickLitex-boyfriend mo tapos naging bestfriend mo? HUH??? Posible ba yun? Eh pano pala kung dumating yung panahon na mare-realize mo na ayaw mo na siyang maging best friend? Dahil ang gusto mo eh buhayin yung nasira niyong relasyon? Mas posible kayang mang...