CHAPTER 16
**KRISH’s POV**
Aamini ko sa inyo. Ang sakit. Ang sakit-sakit marinig mula sa taong mahal niyo ang umOO sa ibang tao. Lalo na sa kaibigan niyo pa. T.T
Matapos mag-yes si Kyle eh umalis na agad ako dn sa open field at dumiretso sa ladies room. Ni-lock ko yung pinto ng CR. Wala akong pakialam kung may kakatok man maya-maya basta’t ang tanging gusto ko lamang gawin ngayon ay ang ilabas yung sakit ng loob na nadarama ko ngayon at yun ay sa pamamagitan ng pag-iyak. Ilalabas ko na ngayon sa iyak lahat ng mga nararamdaman ko. pagkatapos nito, ipinapangako ko sa sarili ko na iiwan ko na sa loob ng silid na to ang lahat ng nararamdaman ko para kay Kyle. Magiging masaya ako para sa kanila ni Gwen, at tulad ng dati… mananatili akong best friend niya. best friend lang… T.T
Mga kalahating oras din akong nagkulong dun sa loob ng ladies room at salamat sa Diyos naman, walang babaeng istorbong kumatok sa pinto. Nung wala ng luha na pumapatak sa mga mata ko—marahil ay naubos na sila.
inayos ko na ang sarili ko. naghilamos ako tsaka naglagay ng face powder sa mukha at nagpahid din ako ng kaunting lipstick. Sinuklay ko yung buhok kong nakalugay at saka nilagyan ng clip.
“Ayan. Mukha na lit akong tao.” Puri ko sa sarili ko. kinuha ko yung cellphone ko sa bag at saka tinext sina Leslie and Ellie.
**Compose Message**
To: Ellie; Leslie
San kayo? Reply ASAP!
----****sent!
Lumabas na ako ng CR at habang hinihintay ko ang reply nila eh nagsimula na akong maglakad. Naglakad lang ako kahit hindi ko naman alam kung saan ako tutungo. Ilang saglit pa eh nagreply si Leslie. Nasa cafeteria raw sila.
Matapos kong basahin ang salitang cafeteria, dun palang ako nakaramdam ng gutom. Hindi pa ako kumakain simula kaninang umaga at ngayon ay magtatanghali na. binilisan ko ang paglakad ko para maabutan ko pa sila sa cafeteria. Isa pa, gutom na rin ako.
Pumasok na ako sa loob ng cafeteria at wow! Ang daming tao! Pano ko kaya sila mahahanap nito? Inikot ko ang paningin ko at ayun, nakita ko si Leslie na parang sira ulo na kumakaway-kaway sa akin. Napangiti na lang ako kahit papaano. Lalakad n asana ako papunta sa kanila ngunit natigilan ako nang makita ko si Gwen kasama ang isang lalake. Kahit na nakatalikod yung lalake ay masasabi kong si Kyle nga iyon.
Ayan na naman ako oh, bumabalik na naman yung sakit na nadarama ko.
Stop! I SHOULD STOP THIS! Wala na kong nararamdaman para kay Kyle dahil iniwan ko na ang lahat ng iyon dun sa CR. ><
Pero nasasaktan talaga ako. Masisisi niyo ba ako? Lalo na’t nakikita ko silang dalawa na parang masayang-masaya na. napayuko na lamang ako at nakapagdesisyon na mag-iba na lamang ng daan. Tumalikod na ako’t bahagyang lalakd na sana palayao kaya lang…
“KRISHHHH!!!” shit! Siya na naman! nahuli na naman niya ako! Tae ka Gwen!><
Nag-aalinlangan ako sa gagawin ko. Haharap ba ako sa kanya at kay Kyle o maglalakad ako palabas ng cafeteria na parang wala akong narinig na tumawag ng pangalan ko.
after 5 seconds, I’ve decided na maglakad na lamang palabas ng cafeteria na parang wala akong narinig na may tumawag sa akin.
Limang yapak na lang. oo bilang ko talaga kasi hindi naman masyadong kalayuan ang pwesto ko kanina sa door ng caf eh. Limang yapakna lamang at makakalabas na ako ng cafeteria. Ngunit pagyapak ko sa panglimang step eh natigilan ulit ako. Di lang yun, tumayo pa balahibo ko nang siya na ang tumawag sa pangalan ko.
BINABASA MO ANG
My Best Friend was My Ex-Boyfriend
ChickLitex-boyfriend mo tapos naging bestfriend mo? HUH??? Posible ba yun? Eh pano pala kung dumating yung panahon na mare-realize mo na ayaw mo na siyang maging best friend? Dahil ang gusto mo eh buhayin yung nasira niyong relasyon? Mas posible kayang mang...