CHAPTER 3 - Kulitan Moments

1.2K 25 7
                                    

CHAPTER 3

**KRISHA's POV**

"Hey, hey... Kylie stop it!"saway ko sa kanya. Pano ba naman kasi, di siya nagpapaawat eh. Gusto pa rin niyang sugurin si Jericho.

"Krish let me go!"pagbabanta niya sa akin.

"Ano ba!? Tumigil ka nga Denis Kyle!" sigaw ko sa kanya.

Tumigil din naman siya. Alam niya kasi, na kapag Denis Kyle na ang tawag ko sa kanya ay galit na rin ako.

At ayun,  kumalas siya sa pagkakahawak ko at saka nag-walk out ang lolo niyo!

"Uhm, pasensya na po kayo sa nangyari!" pagpapaumanhin ko kay Dean at sa kaibigan niya.

"Pasensya na po sa eskandalo. I think you should go on now with the party." sabi ko sa crowd.

Nagsibalikan naman sila sa kani-kanilang mga business. Ako naman, tumakbo na ko palabas para puntahan ang madramang si Kyle. For sure nasa kotse na yun siya.

"Hey! "

Lumingon ako kasi parang ako yung tinatawag eh.

Paglingon ko si Gwen pala. Tapos inikot niya yung paningin niya sa paligid na wari bang may hinahanap.

"Where's Kyle?" tanong niya sa akin.

"Nasa kotse na siguro."sagot ko naman.

" Uhmm, thank you nga pala kanina sa pag-awat mo kay Kyle."pagpapasalamat ko sa kanya.

Syempre, kung di siya tumulong sa pag-awat ay malamang bugbog sarado na rin yung si Kyle.

"No, I should be the one to thank him."sabi niya na umiling-iling pa.

At ano naman ang pinagsasabi niya? Wala akong kaide-ideya!

"Huh? Bakit naman?"naguguluhang tanong ko sa kanya.

"Eh kasi, kaya lang naman sila nagsuntukan ni Jericho eh dahil sa akin. Jericho was my ex-boyfriend. Nung nakita niya kami ni Kyle na magkasama, nagselos siya sa amin. Hinila niya ako, forcing me to come with him. Si Kyle naman, dahil nakita niya siguro na di na tama yung ginagawa sa akin ni Jericho eh sinabihan niya si Jericho na iwan na lang daw ako. At yun na nga, dahil epal daw si Kyle, sabi ni Jericho, sinuntok niya ito. Tapos nagsuntukan na silang dalawa."mahabang paliwanag niya.

Ohh... yun pala ang totoong nangyari!  -______-

"Ahh.."yun lang ang nasabi ko. Pano ba naman kasi, nagalit agad ako kay Kyle. Tapos ngayon, bigla ko na lang nalaman na hindi pala siya ang may kasalanan.

Argh!! Ang tanga-tanga ko talaga. Malamang galit na rin yun sa akin.

"So, kelangan ko nang bumalik sa loob. Pakiabot na lang yung thank you ko kay Kyle."pagpapaalam niya sakin.

"Sure!"sagot ko naman.

Pumasok na ulit sa loob ng bar si Gwen, ako naman eh naglakad na papuntang parking lot.

Andun na nga siya sa loob ng sasakyan gamit-gamit ang di maipintang mukha.

Naku naman, nakakatakot siya kapag galit eh. Di mo makausap ng maayos.

Huminga muna ako ng malalim at saka tuluyang pumasok sa loob ng kotse niya.

WAAAAAAHHH!!!  Di ko talaga alam kung paano ko siya haharapin.. 

**KYLE's POV**

Naiinis ako kay Krisha. Mas kinampihan pa niya yung pangit na Jericho na yun. Tapos sinigawan pa niya ako sa harap ng maraming tao.

My Best Friend was My Ex-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon