CHAPTER 19.5
Narating namin nina Kyle yung favorite restaurant namin nang wala pa ring imikan simula nung naging huling pag-uusap namin sa kotse.
Grabe, para akong lalamunin ng lupa sa sobrang awkward. Ni walang nagsasalita sa amin at yun ay dahil pareho kaming dalawa natahimik sa naging usapan naming kanina. Parang gusto ko na nga sana kanina tumalon sa kotse eh, ilang na ilang ako sa kanya.
Bat pa kasi namin pinag-usapan yung tungkol sa nakaraan eh nakaraan na yun eh. Dapat ibaon na yun sa lupa at di na dapat halungkatin pa. -____-
Pumasok na kami sa loob ni Kyle tsaka nakahanap agad ng mauupuan. Wala kasing masyadong tao dahil maaga pa kaya naman madali kaming nakahanap ng mauupuan.
Umupo na kami at automatic namang may waiter na lumapit sa amin. Inorder ko na ang paborito kong pagkain at gayun din si Kyle.
Hanggang sa dumating na lamang yung mga order namin eh wala pa rin talaga kaming imikan. Minsan pa nga eh nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin at yun ay dahil nakatingin din ako sa kanya. Tapos sabay-sabay pa yan kaming mag-iiwas ng tingin. Hay… ang weird lang namin noh!?
Nagsimula nang kumain si Kyle pero ako eh nakatingin lang ako sa malayo at iniisip pa rin yung sinabi niya sa akin kanina.
“Hindi niya ako niloko? Nagsasabi ba siya ng totoo? Eh anong ibig sabihin nung mga nakita ko?” yan ang mga sari-saring tanong na naglalaro sa isipan ko.
“Haiist! Hayaan na nga! gaya nga ng sinabi ko kanina, wag nang halungkatin pa ang nakaraan!”pagkukumbinsi ko pa sa sarili ko na parang di na ako apektado dun sa sinabi niya.
Muli namang bumalik ang katinuan ko nang marinig ko yung pagtawag ni Kyle sa pangalan ko.
“A-ano?” nautal ko pang sagot.
“Pssh! Kung ano-ano na naman ang iniiisip mo. Baliw talaga!”sabi pa niya.
“Che! Di ako baliw noh! May naalala lang ako.”pagtatanggol ko pa sa sarili ko.
“Magpapalusot ka pa!”sagot na naman niya.
ARRGHH!!! Ayan na naman siya oh! Nagsisisimula na naman siyang makipagtalo sa akin.><
“Kasi di naman talaga totoo.”angal ko pa.
“Whatever. Akin na nga lang yang pagkain mo. Di mo naman kinakain eh! Sinasayang mo lang bayad ko dito.”sabi pa niya sabay kuha nung pagkain ko.
“Hoy! Akin yan! Sinong may sabing di ko kakainin yan! Akin na yan!”sabi ko pa sabay agaw nung pagkain ko kaya lang di ko nagawang agawin ito dahil inilayo niya ito nang tuluyan sa akin.
ARRRGH!!! Isip bata talaga tong lalakeng to oh. Aware ako na nakatingin na sa amin yung mga tao dahil medyo napapalakas na yung boses ko.
“Ayaw!” Sabi pa niya sabay binelatan ako. Tapos nagsimula na naman siyang kumain gamit yung kanang kamay niya habang yung kaliwang kamay niya eh nakahawak dun sa pagkain ko.
Sinbukan ko na naman sanang agawin sa kanya yung pagkain ko kaso di ko naabot kasi inilalayo niya ito.
“Akin na yan!”sabi ko pa sa kanya.
“Ayoko nga! sa akin na to. di mo naman kinakain eh.”sagot niya sa akin habang nakangiti pa ng nakakaloko.
Grabe talaga tong lalakeng to oh! Sobrang kulit! Maswerte ka mahal kita! Hmp!
“Krish, move on!”sabi pa ng subconcious ko.
Haiiist! Paano ba naman ako makakamove on, kung sa tuwing sinusubukan kong talikuran ang nararamdaman ko para sa kanya eh saka naman niya ako binibigyan ng dahilan para muling mahulog sa kanya.
“Ano bata, suko ka na?”mapaglarong tanong sa akin ni Kyle.
Akala naman niya magpapatalo ako!? Hmp! No way!
Bahagya akong tumayo sa upuan ko tsaka kinuha yung favorite dessert ni Kyle na creamy maple with grinded peanut on top.
Akala naman niya aagawin ko sa kanya yung pagkain ko. HAHAHAH
“Sayo na lang yan. Akin na lang tong dessert mo.”sabi ko pa sa kanya habang nakangiti pa ng mapang-aso na para bang nakabawi na talaga ako sa kanya.
“Ayos lang. For sure naman di mo kakainin yan eh. Depende na lang kung gusto mong magka-rashes dahil ALLERGIC ka lang naman sa peanut di ba?”kampanteng sagot niya.
Ay tanga! Ako mismo eh nakalimutan ko na allergic pala ako sa peanut.
Hay…nakakainis! Naisahan na naman ako netong batang to!><
BAkit kasi kilalang-kilala niya ‘ko eh. -____-
“I hate you!”sabi ko pa sabay binigyan siya ng namumugay na mga tingin.
Siya naman eh tumawa lang ng malakas. Pinagtitinginan na talaga kami rito.
Eh kasi naman, may kasama akong baliw!-___-
“HAHAHAHAHAHAHAHA!”---siya na tawa ng tawa.
Ako naman eh naha-high blood na dahil kanina pa niya ako pinagtritripan.
“O-okay! I’ll stop laughing!”pilit niyang ibinigkas ng diretso habang nagpipigil ng tawa.
“Oh eto na ang pagkain mo. Ang sarap mo talagang asarin!”sabi pa niya sabay abot nung pagkain ko.
Kinuha ko na yung pagkain ko and then I just rolled my eyes. Tapos bigla na naman siyang tumawa. Baliw talaga!
-------------
Asaran. Kulitan. Tawanan. Usap-usap. Pasyal dito, pasyal doon. Kain dito. Kain doon. Yun lang ang ginawa namin ni Kyle buong araw hanggangsa abutan na nga kami ng alas singko ng hapon.
“Thank you! I really had fun.“sabi ko pa sa kanya habang nakaupo dun sa passenger’s seat ng kotse niya’t ready nang bumaba. Nandito na pala kami sa tapat ng bahay namin.
“I’m glad yo had fun! I really miss doing stuffs with you, Krish. And above all, I really miss you.”sabi pa niya at hinawakan pa niya ang isang kamay ko.
Sa totoo lang, normal lang para sa aming dalawa ni Kyle ang maghawak kamay. Pero para sa akin, sa mga pagkakataong ito eh hindi na dahil may halo na itong kaba’t kilig.
Nginitian ko lang siya. Sobra ko rin talagang namiss ang lalakeng to eh.
Sa di malamang dahilan eh agad kong ipinwesto yung isang kamay ko sa may batok ni Kyle and with one swift move, I pulled him closer to me, closer enough for us to feel each others breath.
And then…
i…
I KISSED HIM PASSIONATELY ON THE LIPS.
BINABASA MO ANG
My Best Friend was My Ex-Boyfriend
ChickLitex-boyfriend mo tapos naging bestfriend mo? HUH??? Posible ba yun? Eh pano pala kung dumating yung panahon na mare-realize mo na ayaw mo na siyang maging best friend? Dahil ang gusto mo eh buhayin yung nasira niyong relasyon? Mas posible kayang mang...