Chapter 25 - Goodbye!

446 17 24
                                    

Chapter 25

**KYLE's POV**

Dalawang araw na simula nung aminan na nangyari sa amin ni Krish. At dalawang araw na nga rin kaming hindi nag-uusap o nagpapansinan man lang. Siya kasi, kada makita niya palang ako ay agad na siyang umiiwas. Kinukulit ko nga rin siya sa mga text messages, calls, pati na sa facebook, kaya lang napakatuso talaga ng babaeng yun at ayaw pa rin akong pansinin.

Ewan ko ba?! Maski ako ay naguguluhan din sa sitwasyon ko ngayon. Naguguluhan ako sa tunay kong nararamdaman. Sigurado ako na mahal ko pa si Krish, pero may girlfriend na ako at mahal ko rin ang girlfriend ko.

Arrgh! Ano bang dapat kong gawin? Magbigti na lang kaya ako? Wag na! Sayang naman tong kagwapuhan ko, eh endangered species na nga raw ang mga gwapo sa mundo, mambabawas pa ako?! 

Nandito nga pala kami ngayon nina Gwen sa mall. Mamimili kasi kami ng regalo para kay Troy. Birthday kasi niya bukas at inimbita niya ang barkada sa isang overnight party dun sa house resort nila. Sinabihan niya rin kami na kung gusto raw naming dalhin ang girlfriend o boyfriend namin ay ayos lang. Ang totoo niyan ay hindi naman talaga sumagi sa isip ko ang dalhin si Gwen. Kaya lang nang ma-overheard ko yung usapan nina Krish at Ellie nung isang araw, napag-alaman kong dadalhin pala ni Krish yung pusang manliligaw niya. Syempre, ayoko namang magmukhang kawawa sa harapan niya kaya ayun, I end up inviting Gwen to come with me.

"Kyle, baby? Are you with me?" tanong niya sa akin while snapping in front of my face. Agad naman akong nagising sa pagde-daydream nang dahil dun sa ginawa niya.

"H-ah?"nalilitong tanong ko sa kanya habang siya naman ay naka-pout lang dahil napagtanto niyang di pala talaga ako nakikinig sa kanya. 

"Sorry. Ano nga ulit yung sinabi mo?"dagdag ko pa. Hindi ko namalayang kinakausap pala ako ni Gwen. Eh kasi naman, masyadong lutang ang pag-iisip ko. Puro si Krish na lang kasi ang nasa isip ko kahit na si Gwen naman ang kasama ko ngayon. Puro na lang tungkol sa what if's namin ni Krish ang iniisip ko. What if pala kung matagal ko nang na-realize na mahal ko pa rin siya? Edi sana ba kami na ulit? What if pala kung umamin na siya sa akin nung una pa. What if k--- Arrgh! Nakakayamot! Ang sakit sa utak! >.<

"Saan ba mahilig si Troy?"tanong ulit sa akin ni Gwen habang abala na ngayon sa pagtitingin-tingin dito sa men's section.

"Sa basketball."sagot ko pa. 

"Basketball? Hmmn... edi basketball shoes na lang pala ang bibilhin natin para sa kanya."sabi pa ni Gwen while wearing that bright smile of hers.

"Ahh, oh sige!" balik-sabi ko naman at pagkatapos ay nagtungo na kami dun sa section ng mga shoes.

Swerte ng mokong na Troy na yun! Tiyak na magugustuhan niya tong regalo namin. 

Kung  hindi ko man nasabi sa inyo, kasali sa basketball team ng school namin si Troy. Actually, hindi lang si Troy, kundi pati na rin sina Dale, Raf, at Tristan. Kasali rin naman ako dati sa basketball team. Muntikan pa nga akong maging captain eh. Kaso, bigla akong nag-quit. Kung bakit ako nag-quit, aba'y next time ko na lang ike-kwento sa inyo kasi tinatawag na ako ni Gwen.

"Which one is better? This? or this?" tanong niya sa akin habang hawak-hawak ang dalawang  sapatos. Yung isa ay itim with a shade of blue, tapos yung isa naman with a shade of red.

"The blue one's better."sagot ko naman.

"Then, the blue one it is."sabi pa niya at saka ibinalik yung sapatos na may shade of red sa nilalagyan nito

"Ano nga palang size ni Troy?"tanong niya ulit sa akin.

"Sa pagkakatanda ko eh magka-size lang kami. So 10. pero baka lumaki na ang paa ng mokong na yun!"sagot ko pa tapos mahinhin na tumawa si Gwen.

My Best Friend was My Ex-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon