CHAPTER 2
**KYLE’s POV**
“REUNION PARTY!? AYOKO NGA!”sigaw ko sa kanya.
Pano ba naman kasi inaanyayahan niya akong sumama sa kanya dun sa reunion party nila.
Ayoko ngang sumama. For sure boring yun. >___<
At saka isa pa, di ako sanay sa mga lugar na boring.
Yeah, I love parties. Actually araw-araw nga akong pumupunta ng party eh. Pero iba yung party na pinupuntahan ko. Dun sa party na yun, maraming mga naggagandahang mga dilag, maiingay na crowd, loads of hard drinks at makukulay na disco lights. Di yung mga boring na party, gaya ng reunion party na sinasabi niya. Wala kang ibang gagawin kundi ang kumain, makipagkwentuhan sa mga kakilala mo tapos pag napagod na silang makipagkwentuhan sayo eh iiwan ka na lang nila sa tabi, tapos ikaw you will spend the night na lang sitting there. Tch, ang boring nun noh! Buti sana kung puro girls lang ang pupunta dun.
“A-YO-KO”pagtatanggi ko sa alok niya.
“Eeeh, sige na naman Kylie oh. Ngayon na nga lang ulit ako hihingi ng pabor sayo eh. Kaya pumayag ka na.”pangungulit niya.
Kulit talaga netong si Krisha oh. Sabi nang ayaw ko.
"Ayoko nga sabi eh, kaya sorry ka na lang. Kung gusto mong humingi ng pabor, ibang pabor na lang.”matigas na sagot ko sa kanya.
HAHA, sorry bata ko pero ayoko pang mamatay dun sa reunion party niyo sa sobrang pagkabagot. :P
**KRISHA’s POV**
ARRRRRRRRRGH… kaasar! >___________<
Eh pano ba naman kasi, ayaw akong samahan netong bestfriend ko oh. Kainis, napakatuso. Kahit anong pagpapaka-cute o awa ko sa kanya eh wala pa ring effect. Di tumatalab! Psssssssssh!
Ano ba? Ano ba yung isang bagay na magpapa-OO sa kanya?
Isip** isip**isip**
TING!
Alam ko na!
HOHO, tignan lang natin kung makakatanggi ka pa sakin ngayon. ^_____^
“Ayaw mo talaga akong samahan?”sabi ko sa kanya na parang nalulungkot-lungkot pa. Syempre, drama lang po yan! Hehe
BINABASA MO ANG
My Best Friend was My Ex-Boyfriend
Genç Kız Edebiyatıex-boyfriend mo tapos naging bestfriend mo? HUH??? Posible ba yun? Eh pano pala kung dumating yung panahon na mare-realize mo na ayaw mo na siyang maging best friend? Dahil ang gusto mo eh buhayin yung nasira niyong relasyon? Mas posible kayang mang...