Dedicated to ms_cuppcake! Thanks for this trailer! :)))
----
CHAPTER 26
**KYLE's POV**
"Andito na ba ang lahat? Nang sa gayon ay makaalis na tayo." bungad pa ni Troy sa amin.
Ngayon nga pala ang birthday ni Troy at napagkasunduan namin na sabay-sabay na kaming pupunta dun sa resort house nila.
"Wala pa si Krish." sagot ko pa. Sabay kasi kaming pumunta nina Gwen, kaya hindi ko na siya nadaanan pa sa bahay nila. At saka, as if namang papayag yun na sabay kaming pumunta. Eh ni ang kasusapin nga ako ay hindi niya magawa. Maliban na lamang kung may ibang tao kaming kasama, gaya nung kahapon. Binati niya ako ng "Hi Kyle!" kasi andun sina Gwen at Dean. Ngunit, tanging "Hi Kyle!" lamang ang natanggap ko sa kanya kahapon.
Tch! Talagang iniiwasan niya pa rin ako.
"Oh, I bet she's with Dean." kuro-kuro pa ni Gwen.
Nakalimutan ko, sasama nga pala yung mukhang pusang yun. At tiyak na sabay silang pupunta. Tch! Umagang-umaga ay nababadtrip na ako.
"Oh, ayan na pala sila!"sabi pa ni Ellie nang makita niya ang isang sasakyan na pumarada malapit sa amin.
At ayun, nakita kong bumaba ang napakagandang si Krish! Ayos na sana yun eh. Okay na sana ang view. Kaya lang may pusang ubod ng pangit ang biglang sumulpot!
"Guys, sorry talaga kung ngayon lang kami nakarating. Nasiraan pa kasi kami eh."pagpapaumanhin pa ni Krish.
"Ayos lang yun."sagot pa nila.
"Ang pangit kasi ng kotse!"bulong ko sa sarili ko.
"May sinasabi ka pre?" tanong ni pusa na tila ba'y nakita niya akong bumubulong sa sarili ko, bagamat 'di niya naman narinig kung ano ito.
"Wala!" masungit na sagot ko. Tila'y naramdaman yata ni Krish ang tensyon sa pagitan namin ni Dean, kaya naman agad niyang iniba ang usapan.
"Ah, eh. Siya nga pala, siya si Dean."pagpapakilala pa niya sa pusang yun sa aming mga barkada.
"Hi! I'm Dean Morillo. Nice meeting you everyone."pagpapakilala pa niya. Yung ibang mga kabarkada ko naman ay isa-isa ring nagpakilala habang sinasabayan pa nila ito ng hand shake.
"In fairness, ang gwapo ng manliligaw mo Krish!"sabi pa ni Leslie kay Krish. Nginitian lang ni Krisha si Leslie sa papuring binigay niya sa manliligaw.
"Hindi pa ba tayo aalis? Ang dami na nating nasayang na oras oh!"bitter na sabi ko sabay tingin pa sa relo ko. Lahat naman sila ay napatingin sa akin dahil dun sa sinabi ko, ay hindi pala. Dahil pala sa tono ng pagkasabi ko. Medyo nahalataan yata nila na badtrip ako.
"Ah, o-oo nga! Tama si Kyle. Tara na at baka gabihin pa tayo neto." yaya naman ni Dale sa lahat.
BINABASA MO ANG
My Best Friend was My Ex-Boyfriend
ChickLitex-boyfriend mo tapos naging bestfriend mo? HUH??? Posible ba yun? Eh pano pala kung dumating yung panahon na mare-realize mo na ayaw mo na siyang maging best friend? Dahil ang gusto mo eh buhayin yung nasira niyong relasyon? Mas posible kayang mang...