CHAPTER 18
**KYLE's POV**
Bago ako nagsimulang magdrive nag-isip muna ako ng mga posibleng lugar na pwedeng puntahan ni Krish. Sinubukan ko ring kontakin ang barkada pati na ang ibang mga kaibigan ni Krish. Pero hindi raw dumaan sa bahay nila si Krish. Sinabihan rin ako ng barkada—Leslie, Ellie, Trixie, Troy, Dale, Raf, and Tristan, na hahanapin na rin daw nila si Krish at kokontakin na lang daw nila ako pag nahanap na nila siya.
Sinimulan ko ang paghahanap kay Krish sa school. Napag-isip-isip ko kasing baka dun niya napag-isipang magpalipas ng oras. Open naman kasi yung school kahit na ganitong oras kasi nag-ooffer ng night class ang school namin.
Pagdating ko sa school eh nagbakasakali akong hanapin siya sa may swimming pool area kasi kasali siya sa swimming team. Malay ko ba gusto niyang magpraktis ng ganitong oras. Pero pagdating ko dun eh wala namang katao-tao ang swimming pool area. Sinubukan ko rin siya hanapin sa mga classrooms, dance studio... halos nilibot ko na ang buong school pero wala siya dun. Nasan na kaya yun? Chineck ko yung phone ko kung may text ba akong natanggap galing sa barakada. Pero wala. Ibig sabihin hindi pa rin nila nahahahanap si Krish.
Umalis na ako sa school dahil wala naman akong nahanap dun. Sunod kong tinungo ay yung sementeryo. Marahil kasing napag-isipan ni Krish na bisitahin ang namayapa niyang ama. Ngunit tulad sa pagpunta ko sa school eh wala rin akong Krisha na nakita sa sementeryo.
"Krish naman oh! Asan ka na ba?!" nag-aalalang sabi ko sa sarili ko.
Nagpatuloy lang ako sa kakahanap kay Krish. Hinanap ko siya kung saan-saan ngunit di ko talaga siya mahanap. Hindi rin nagtetext yung barkada. Mukhang nahirapan rin silang hanapin si Krish tulad ko.
"Baka naman kasama niya ngayon yung mukhang pusang Dean yun?"naisip ko.
"Kung kasama niya lang din naman ang mukhang pusang yun, edi bahala na siya! Bat ko pa siya hahanapin kung yun lang naman ang kasama niya! bweset!"inis na sabi ng subconscious ko.
Pero pano kung di niya kasama ang lalakeng yun? Pano kung may masama na palang nangyari sa kanya.
Hay shit! No! think positrive Kyle. Mahahanap mo rin si Krish.
I think it's better for me this time na hingin kay Gwen ang number ni pusa. Gusto kong siguraduhin kung magkasama ba sila. Kung positive ngang magkasama sila eh bahala na sila sa buhay nila! Tangna sila!><
Pero kung hindi... kelangan kong hanapn si Krish ngayon mismo. At di ako titigil hangga't di ko siya nahahanap.
Kinuha ko na yung cellphone ko at akmang idadial na sana nag number ni Gwen nang may maalala akong lugar na posibleng puntahan ni Krish.
Tama! Marahil andun nga siya.
Tanga lang Kyle! Bakit di ko naisipang puntahan ang lugar na yun kanina?
**KRISH's POV**
"Kyle... Kyle... Oh Denis Kyle..." kanina ko pa paulit-ulit na binabanggit ang pangalan na to habang malungkot na sine-sway ang duyan.
Napabuntong hininga na lamang ako sa ginagawa ko. nagmumukha na akong desperado at di na tama to. Kelangan ko nang tigilan ang kabaliwang ginagawa ko. I should spare him.
"But I love him. How could I let him go?"sabi naman ng subconscious ko.
ARRRRRRRRRGH!!! Nakakasura na talaga ang ganito! Lagi na lang nagtatalo ang isipan ko!
"Lord, please! Please...bigyan niyo po ako ng sign. Sign po Lord.
Pumunta ako ngayon sa lugar na to para makita si Kyle, para ayusin kung ano man ang meron kami. Kaya lang Lord may bahagi sa akin na nagsasabi na di tama tong ginagawa ko.kailangan ko na siyang kalimutan dahil mas lalo lang akong masasaktan kapag itutuloy ko pa ito. Lord tulungan niyo po akong gumawa ng tamang desisyon, kung baka sakaling sumipot man po ngayon si Kyle ibig sabin it's not the end for the two of us. that both of us deserve second chance. Pero kung sakaling hindi man po, ibig sabihin kelangan ko nang kalimutan ang nararamdaman ko para sa kanya." Hiling ko sa Diyos.
BINABASA MO ANG
My Best Friend was My Ex-Boyfriend
ChickLitex-boyfriend mo tapos naging bestfriend mo? HUH??? Posible ba yun? Eh pano pala kung dumating yung panahon na mare-realize mo na ayaw mo na siyang maging best friend? Dahil ang gusto mo eh buhayin yung nasira niyong relasyon? Mas posible kayang mang...