CHAPTER 13
**KYLE’s POV**
One week na ang nakararaan simula nung nanood kami ng sine at hanggang ngayon hindi ko pa rin nakakausap o nakikita man lang si Krish. Hindi ko alam kung bakit siya nagalit sa akin nung araw na yun. Bigla na lang siya umalis ng sinehan at simula nun hanggang ngayon eh hindi ko pa rin siya nakakausap. Ni hindi man lang niya sinasagot ang mga tawag at text ko. Sa school naman, eh hindi ko man lang siya matyempuhan at mukhang pati sina Leslie at iba pang mga babaeng kabarkada namin eh mukhang pinagtutulungan nila ako na itago si Krish sa akin!
Nakakainis! Ano bang problema niya at bakit ayaw niya akong makausap?! Ayaw niya akong makita?! Bakit ba niya ako iniiwasan?!
Letse naman oh! Kung kailan nagkabati na kami ulit, ngayon naman siya magkakaganito! ><
Hayyyyy….
RIIIIING!!!!
Kinuha ko ang phone kong nagriring at saka tinignan sa screen kung sino ang tumatawag. Si Troy pala.
“Hello?” walang gana kong bungad.
“Grabe ka naman pare, sa tono mong yan mukhang wala ka yatang ganang kausapin ako huh.?” Pagdadrama niya sa kabilang linya.
Eh sa wala talaga akong ganang makipag-usap ngayon kahit kanino.
“Bakit ka tumawag?” tanong ko sa kanya.
“Inuman daw maya ang barkada sa bahay nina Dale.” Yaya niya.
wala aokng ganang makipaghalubilo ngayon kahit kanino. Pero since nabanggit niya na ang barkada? Ibig sabihin pupunta si Krish? Sige na nga, pupunta na lang din ako. gusto ko talaga siyang makausap o kahit makita man lang. namimiss ko na kasi talaga siya ng sobra eh. ang babaeng yun talaga! kahit minsan naman oh, siya na lang lagi ang dahilan kung bakit ako nadedepress!><
“Pero all boys lang.” dagdag pa ni Troy sa kabilang linya.
Psssh!! All boys lang pala eh, edi di na lang ako pupunta.
“Pass muna ako pre!” sagot ko tapos ibinaba ko na yung phone.
Hayyy, KRISHA LEE??? Ano bang nangyayari sayo? Bat mo ba ginagawa sa akin to?!
**KRISHA’s POV**
Isang lingo na kong nagdadalamhati rito. Ewan ko ba sa sarili ko. matagal naman na sana kaming nag-break nina Kyle pero ewan ko ba at hanggang ngayon eh damang-dama ko pa rin yung sakit na natamo ko dahil sa pangyayaring yun.
It was our 7th monthsarry that day, the 7th month of loving ech other, it was the day which every now and then makes me remember how my life became colorful and wonderful when I answered him, when he officially became mine. But never in my entire life, I can imagine that the most special day for the two of us, would also bring pain in my heart.
**FLASHBACK**
“Haist! Denis bakit di ka sumasagot?!” sabi ko sa sarili ko while trying to contact him.
(Wala kaming endearment nung naging kami and Denis and tawag ko sa kanya hindi Kyle.)
Kanina ko pa siya tinatawagan sa phone, kaya lang di siya sumasagot. Nakailang text na rin ako pero ni isang reply sa kanya eh wala akong natanggap.
Takte naman oh, 7th monthsarry pa naman namin ngayon. May surpresa pa naman sana ako sa kanya kaya lang di ko siya mahanap.
Teka, si Ellie yun huh. Matanong nga sa kanya kung nasaan na si Denis. Classmate kasi sila eh, kaya naman baka alam niya or nakita man lang niya kung saan pumunta si Denis.

BINABASA MO ANG
My Best Friend was My Ex-Boyfriend
ChickLitex-boyfriend mo tapos naging bestfriend mo? HUH??? Posible ba yun? Eh pano pala kung dumating yung panahon na mare-realize mo na ayaw mo na siyang maging best friend? Dahil ang gusto mo eh buhayin yung nasira niyong relasyon? Mas posible kayang mang...