CHAPTER 9
**KRISHA's POV**
At kung minamalas nga naman ako noh, andito ako ngayon parang epal na nakabuntot sa kanilang dalawa. Di ko alam kung pano ako napapayag ni Gwen na sumama sa kanila. Di lang pala si Gwen, pati na rin pala si Kyle eh pinilit rin akong sumama na raw ako sa kanila. Kung ano-ano na nga ang idinahilan ko sa kanila eh. Sinabi ko na rin na baka hinahanap na ako ni mama dahil di ko pa naiuwi sa bahay yung fresh milk at yeast na pinapabili niya. Malamng di pa yun nakakasimula na mag-bake. Pero ang titigas lang din ng mga ulo ng dalawang to at napapayag pa rin nila ako sa ewan na paraan. ><
“Oh look Kyle, this is cute.” Sabi pa ni Gwen matapos niyang hilahin si Kyle para tignan yung phone na sinasabi niyang cute. Ako naman, heto parang buntot lang na umaaligid sa kanilla. Ampotek!
“Yeah, cute nga.” Sagot naman ni Kyle.
“So ano, yan na ba ang bibilhin natin?” tanong sa kanya ni Gwen. Grabe talaga tong babae oh kung makadikit kay Kyle. Parang tuko lang. tss.. ><
“Ano sa tingin mo Krish, bibilhin ko na ba to?” nagulat nalang ako nang ako yung tinanong ni Kyle tungkol dun.
Oh well bakit pa nga ba naman ako magugulat ? Eh lagi namang naga-seek for advice sakin si Kyle tuwing bibili siya ng something. Alam niyo yun? Kapag mag-shoshopping kami, at pipili siya ng mga damit lagi niya muna akong tinatanong kung bagay ba? o alin sa dalawa ang mas maganda? Kapag naman nahihirapan siyang pumili sa dalawang damit, even mga gadets. Yung cellphone nga ni Kyle ako rin ang pumili nun. Nakakapanghinayang lang dahil nasira lang... gawa ni GWEN! tch><
“Ano?” tanong niya sakin ulit. Si Gwen naman eh nakatingin lang din sa akin.
“Ikaw bahala.”malamig kong sagot sa kanya sabay inirapan sila.
Ang totoo eh hindi naman talaga cute yung cellphone na sinasabi ni Gwen, ang panget nga eh. Di ko na lang sinabi kay Kyle yung opinion ko kasi malamang magiging damsel in distress na naman yang drama ni Gwen. Tapos ako na naman ang magmukhang kontrabida neto. -_-
Nagtingin-tingin na lang din muna ako ng mga cellphones dun na nakadisplay. Di naman ako bibili, titingin lang . HAHA at saka isa pa bagong bili ko lang din dito sa phone ko noh.
Medyo napapalayo na rin ako sa kanila dahil naaaliw akong tignan tong mga phones dito. Habang nagtitingin-tingin ako may isang cellphone dun ang pumukaw sa atensyon ko. Ang ganda nung phone, grabe. Yung latest na Samsung galaxy ace na color black, flat na flat. Wew! Mukhang gusto ko na siya bilhin. T-T
“Excuse me miss, may I see this one?” Sabi ko dun sa saleslady at mukhang may gumaya pa yata dun sa linya kong yun.oh well di ko na inabala pang malaman kung sino siya.
Kinuha na nung babae yung phone, I offered my hand to her para ibigay na sa akin yung phone kaya lang di naman niya ibinigay agad sa akin at mukhang nalilito pa siya kung ibibigay ba niya sa akin o hindi.
Duhh, ano tingin niya sa akin? Magnanakaw? Sa ganda kong to?><
Nakita ko sa tabi ko may isang kamay ding nag-abot dun sa saleslady.
Errgh, wag niyong sabihing nakikipagshare pa tong taong to sa cellphone ko. Naks. cellphone ko pa raw agad. HAHAHA
“Akin na.”sabi ko sa saleslady.
“No, give it to me first.” Dinig kong sabi nung lalaki na hanggang ngayon di ko pa nakita ang mukha niya. Wala naman kasi akong pakialam pang makita kung sino siya.
Aba naman talaga tong taong to oh. Wala pa nga ako sa mood ngayon eh dumadagdag pa siya sa init ng ulo ko.
Humarap ako dun sa taong mang-aagaw at saka siya sinigawan ng,“Hoy panget na may higanteng ka----“ woah, di ko na naituloy ang mga sasabihin ko nang makita ko kung sino yung lalaking nakikipag-agawan sa akin.
BINABASA MO ANG
My Best Friend was My Ex-Boyfriend
Chick-Litex-boyfriend mo tapos naging bestfriend mo? HUH??? Posible ba yun? Eh pano pala kung dumating yung panahon na mare-realize mo na ayaw mo na siyang maging best friend? Dahil ang gusto mo eh buhayin yung nasira niyong relasyon? Mas posible kayang mang...