CHAPTER 14
**Krish’s POV**
Monday na naman, ibig sabihin may klase na naman kame at kailangan ko na namang magtago kay Kyle. Pero tama nga ba tong ginagawa ko? ang iwasan siya ng walang sapat na dahilan?
Haist, siguro dapat ko nang tigilan ang kabaliwan kong ito. Kailangan ko na siyang harapin. Di pwedeng habang buhay ko na lamang siyang iiwasan dahil pati pagkakaibigan naming nina Kyle eh naaapektuhan.
Napabuntong-hininga na lamang ako sa mga inisip ko.
“Okay, siguro nga eto na ang tamang panahon para kausapin siya.” Sabi ko sa sarili ko.
Tapos bigla akong napaisip. Kung kakausapin ko siya, ano naman ang sasabihin ko sa kanya? Kasi tiyak na tatanungin niya sa akin kung anong nangyari sa akin. Kung bakit ako nagkaganun. Kung bakit ilang araw ko siyang iniiwasan.
ARRRRRGH!!!
Ngayon naman namomroblema ako sa sasabihin ko sa kanya! Eh di ko rin naman pwedeng sabihin sa kanya na kaya ko siya iniwasan dahil bumalik na naman ang sakit na ibinigay niya sa akin dati.
Like seriously? Hindi ko yun pwedeng sabihin noh! ><
baka mamaya pa niyan sabihin niyang hindi pa ako na naka-move. Pero sa totoo lang, dahil sa mga inakto ko nitong mga nakaraang araw, siguro nga masasabi kong hindi pa talaga ako naka-move on. T___T
Si Kyle kaya, kahit minsan ba naiisip din niya yung mga masasayang araw nung kami pa? hanggang ngayon ba may kahit konting pagmamahal pa siyang nararamdaman para sa akin? Pagmamahal na hindi para sa kaibigan kundi mas pa sa kaibigan?
Biglang nanikip ang puso ko sa mga ibiisip ko. pano kung kaibigan na lang talaga ang tring niya sa akin? Pano kung may mahal na siyang iba? Mukhang hindi ko yata kaya yun. T________T
Shit Krish! What’s wrong with you?! eh matagal na nga kayong magkaibigan nina kyle huh?! Bat ngayon ka pa nakaramdam ng lungkot dahil magkaibigan lang kayo?! Eh ano naman sayo kung may mahal na siyang iba?! Di ba tapos na kayo? Magkaibigan na lang kayo! At bilang kaibigan, dapat kung saan siya Masaya eh suportado ka.
WAAAAAAAAAAAAAAAH!!!!!!!! Nababaliw na ko! takte naman oh!
Huminga ako ng malalim at pumasok na sa loob ng school. Yeah, kanina pa ako nakatayo dun sa tapat ng gate. Baka nga pinagkamalan na akong baliw nung guard eh, kasi kanina pa ako nakatayo dun at nakatulala. Eh kasi naman kung ano-ano ang iniisip ko eh. ><
Hay, sige na final decision na talaga to. Kakausapin ko na si Kylie maya at bahala na si batman kung ano mang dahilan ang ipapalusot ko sa kanya! Tae na! ><
**Kyle’s POV**
Andito na ko sa school, actually nasa cafeteria ako ng school. Nagkakape kami ng mga katropa kong boys na sina Troy, Raf, Dale, at Tristan.
Kung curious kayo kung iniisip ko pa rin ba hanggang ngayon si Krish, malalaking letrang O ang sagot ko sa inyo. OO. Kahit anong pilit kong huwag isipin ang tungkol dun, hindi ko talaga magawang iwasan ang mag-isip tungkol sa kanya. ><
“Huy pre! Hindi mo ba iinumin yang kape mo? Akin na lang!” sabi pa ni Tristan.
“Aba tol, seryoso ka ba? Tatlong baso na ng kape ang nainom mo tapos ngayon gusto mo pang inumin yung kape ni Kyle!” hindi makapaniwalang sabi ni Raf.
“Baka broken-hearted kaya nagpapakalasing sa kape?” panunkso pa ni Dale. Tapos nagtawanan na ang mga baliw. Pati ako eh napatawa na lamang ako ng kaunti. Baka sabihin pa ng mga to napaka-KJ ko na talaga.
BINABASA MO ANG
My Best Friend was My Ex-Boyfriend
ChickLitex-boyfriend mo tapos naging bestfriend mo? HUH??? Posible ba yun? Eh pano pala kung dumating yung panahon na mare-realize mo na ayaw mo na siyang maging best friend? Dahil ang gusto mo eh buhayin yung nasira niyong relasyon? Mas posible kayang mang...