CHAPTER 5
**KYLE’s POV**
Nakakainis. Bakit ba kasi pumayag-payag pa si Krish na makishare ng table sa amin yang mukhang pusa na yan. Nakakairita ang mukha. At kung makadikit siya kay Krish parang sa kanya talaga si Krish! Bweset!
Nakalimutan na ba ni krish na bawal kaming makipag-date kahit kanino sa araw na to dahil araw naming DALAWA eto.
NAMING DALAWA LANG! Wala kaming napag-usapan na may pusang pwedeng makihalubilo sa amin sa araw naming dalawa. Nakakabanas! Nawalan tuloy ako ng ganang kumain.
Eto pang isa na kinaiinisan ko, bigla na lang nagbago ang mood ni Krish nang makita niya ang mukhang pusa na yan. Wag niyong sabihin sa akin na may gusto si Krish sa mukhang pusa na yan?
Naku po! Kapag nagkataon ganun nga ang nangyari, naku! Masasabi ko na talagang ang panget ng taste ni Krish sa pagpili ng lalaki. Maliban na lang nung pinili niya ako nuh.
Nek nek niyo, sa gwapo kong to’ aba, siya na yata ang pinakamaswerte babae nang maging boyfriend niya ko.
“Dean, this is Kyle.”
“Her boyfriend.” Singit ko.
Nanlaki naman ang mga mata nung mukhang pusa.
Ngayon naman dahil sa paglaki ng mga mata niya di na siya mukhang pusa, mukha na siyang tarsier. Naku, mamaya neto eh ipadadala ko na talaga ang lalaking to sa zoo.
“Na..na… he’s just fooling around. He's my best friend.” linaw ni Krish sabay iling-iling pa.
Para namang nakahinga ng maluwag si pusa.
Tinitigan ko si Krish na parang I was telling her,”Why did you say that?” look. Siya naman eh nag-iwas lang ng tingin at saka binalikan ng tingin si pusa.
“Tch.” Sabi ko na lang at nakita kong nakahinga naman ng maluwag ang mukhang pusang Dean na yun..
“Uhm, Kyle this is Dean. My classmate back then in high school.” Pagpapakilala niya dun kay pusa.
Nag-offer ng hand sakin si pusa para makipagshakehands kami. Ako naman eh tinitigan ko lang siya at saka pinagtuunan ng pansin ang pagkain ko. Eh sa ayokong makipagshakehands sa pusang yan, mamaya eh madapuan pa ako ng kung anong bacteria dahil sa pagshakehands ko sa kanya nuh. (xOx)
At ayun na nga, dahil wala akong ganang pansinin si Dean eh si Krish na lang yung kumausap dun kay pusa. Tutal sila namang dalawa ang close eh.
Kaya nga lang dahil abala na sila sa pag-uusap ng kung ano-ano eh mukhang nakalimutan an yata ni Krish na kasama niya ko. Para naman akong naging invisible dito.
Halos tatlong oras na kaming andito, at mukhang wala yatang balak na umalis dito ang dalawang to.
“Nice!” bigla ko na lang nasabi ko with full of sarcasm.
“Excuse me?” tanong ni pusa sa akin.
“Nah, wala lang. Don’t mind me guys. Ipagpatuloy niyo lang yang pag-uusap niyo. Mukha kasing ngayon lang kayo nag-usap eh.” Sagot ko naman in a bitter way.
Sila? Wapakels! At tinuloy nga nila ang pagkwekwentuhan tungkol sa high school lives nila. Samantalang ang boring boring naman na ng topic nila. Tch.
“Naalala mo ba nung na-late tayo sa pagpasok ng second period class in the afternoon? Si Ma’am Bantal ata yung Filipino teacher natin eh.” Sabi ni pusa habang masayang nakikipagkwentuhan kay Krish at halos nakalimutan na rin niya ang pagkain niya.
“HAHA, oo naman nuh. Nakakahiya kaya nung pinarusahan niya tayong dalawa. Pakantahin ba naman daw tayo ng paa tuhod sa harapan ng mga kaklase natin.” Masaya namang sagot ni Krish habang natatawa pa niyang sabi.
BINABASA MO ANG
My Best Friend was My Ex-Boyfriend
Chick-Litex-boyfriend mo tapos naging bestfriend mo? HUH??? Posible ba yun? Eh pano pala kung dumating yung panahon na mare-realize mo na ayaw mo na siyang maging best friend? Dahil ang gusto mo eh buhayin yung nasira niyong relasyon? Mas posible kayang mang...