CHAPTER 23 - Date With My Ultimate Crush

447 13 28
                                    

CHAPTER 23

**DEAN’s POV**

“Woah! You’re really beautiful!”pagpuri ko sa kagandahan ni Krish nang makita ko siyang pababa na ng hagdanan.

“Bolero!”sagot naman niya nang nakangiti. Nginitian ko lang din siya pabalik. Tapos nilapitan ko na siya at saka inalay ang kanang kamay ko nang malapit na siyang makababa.

“Thank you!”sabi naman ni Krish sa akin nang kunin niya ang kanang kamay ko.

“Naku! Di ko talaga inakalang magkakaroon ng bagong manliligaw itong anak ko.”pagbibiro pa ni Tita—mama ni Krish.

“Sa ganda ho ba naman ni Krish ay din a poi yon nakapagtataka.”sagot ko anman kay tita.

“Mama naman eh. Wag niyo nga po akong pahiyain kay Dean.”sabi naman ni Krisha sa nanay niya.

“At ikaw naman...”sabi niya sabay harap sa akin.

“Tigilan mo na nga ako mga  pambobola  mo  at  baka maniwala  pa ako sa’yo.”

“Eh hindi naman kita pinapahiya eh, nagsasabi lang ako ng totoo at malamang ganun din si Dean.”sagot naman ni tita at pinagtanggol pa ako.

“Pinagtutulungan niyo pa ako.”sabi niya sabay pout. Ang cute niya!

“Sige na, humayo na kayo nang sa gayon ay makauwi kayo ng maaga.”sabi ni tita sa amin.

“Sige po, mauna  na po kami.”sagot ko naman.

“Bye Ma! Dala ko nga po pala yung isang susi kaya kung sakali man gusto niyo nang matulog at wala pa ako. Mauna na lang po kayo.”bilin ni Krisha sa ina.

“Oh, sige! Mag-ingat kayo. Dean, ingatan mo tong dalaga ko.”bilin naman sa akin ni tita.

“Makakaasa po kayo tita!”sagot ko naman.

“Sige po, una na po kami.”dagdag ko pa. Tapos, tuluyan na nga kaming lumabas ng bahay nina Krisha.

Nang makarating kami sa kotse ko’y pinagbuksan ko muna siya ng pinto, syempre, dagdag pogi points pa to eh. Hahaha

Matapos niyang pumasok sa loob ng kotse’y isinuot ko muna siya ng seatbelt at pagkatapos ay sumunod na rin ako. Pagsakay ko ay nag-seatbelt na rin muna ako at saka na nagsimulang magmaneho.

“Saan nga pala tayo pupunta?”tanong ni Krish ng walang kaide-ideya.

“Malalaman mo rin pag andun na tayo.”pa-thrilling  na sagot ko sa kanya.

Ngumiti lang si Krish at mukhang nasasabik na rin siya. Di ko rin napigilang di mapangiti.

Sa tuwing nakikita ko ang mukha niya, lagi na lamang akong napapangiti. Ang totoo niyan ay dati pa, simula nung high school kami, ay may gusto na ako sa kanya. Kaya lang, masyado akong torpe nung mga panahong yun at di ko nagawang magtapat man lamang sa kanya tungkol sa tunay na nararamdaman ko.

Masyado ring maraming nagkakagusto kay Krish nung high school kami. Isa rin yan sa mga rason kung bakit natorpe ako. Sa dami ba namang nagkakagusto sa kanya, tingin ko pa kaya ay may pag-asa ako.

Pero buti na lang talaga at hindi pa huli ang lahat para sa amin. Masaya ako dahil sa wakas nakamit ko rin ang matagal ko nang pinapangarap—at yun ay ang maka-date siya. Buti na lang talaga at wala siyang boyfriend ngayon.

Ngunit akala ko talaga dati, nung reunion namin, ay boyfriend ni Krish si Kyle. Masyado kasi silang close eh at saka idagdag niyo pa yung katotohanan na gwapo si Kyle (wag niyong bigyan ng malisya, lalake ako!) Tapos siya rin ang dinala ni Krish bilang ka-date niya nung reunion namin. Eh ano pa ba ang pwede kong isipin?

My Best Friend was My Ex-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon