CHAPTER 11 - Usapang Barkada

966 15 5
                                    

CHAPTER 11

**KYLE’s POV**

“Bata gising.”  

Ang hirap naman gisingin tong si Krish oh, malalate na kami sa klase namin.

Yup, tama nga kayo, pasukan na ulit. Natapos na kasi ang sem break namin. Sem break namin yun nung mga nakaraang araw kaya naman mapapansin niyo na hindi kami pumapasok sa school. Ngayong tapos na nga ang sem break namin eh balik eskwelahan na nga ulit  kami.

Haisst, kung tutuisin mas maganda na yung walang pasok eh. Nakakatamad kayang pumunta sa school.

“Huy, bataaaaa…. Gising na. malalate na tayo eh.”

“Ehh, inaantok pa ako bata. Tsaka, patayin mo nga yung ilaw. Nasisilawan ako.” Sabi sa akin ni Krish nang nakapikit pa. mukhang antok na antok pa nga yata siya eh. Tinalikuran pa ako.

“Di ko mapapatay yung ilaw kasi di naman ilaw yun eh. Sinag yun ng araw.” Sagot ko naman sa kanya. Binuksan ko kasi yung kurtina sa bintana niya kaya ayun naaanigan ang kwarto niya.

“Isara mo yung kurtina.” Naantok na sabi ni Krish tapos ayun, nagtalukbong pa.

sinusod ko naman ang sinabi niya. tapos bumalik na ulit ako dun sa kama niya para gisingin siya.

“Bata, bangon ka na…”-ako, habang inaalog-alog siya pero tinatabig niya kamay ko.

Hayst, ano ba yan. Bat ayaw niyang gumising? Masyado ba siyang napagod sa habulan na ginawa namin kagabi? Tsk, malalate na kami pag di pa siya gumising eh.

Alam niyo naman mga babae, ang bagal-bagal kumilos pag nagbibihis. Ang daming  mga ritual na pampaganda ang ginagawa. Sa school naman sana sila pupunta at hindi sa isang party. So what’s with the rituals? Mga babae talaga.

My Best Friend was My Ex-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon