CHAPTER 12
**KRISHA’s POV**
“Oh Dale, kanina pa ba kayo rito?” tanong ko kay Dale.
Andito kami ngayon sa labas ng sinehan. Actually kakarating lang namin nina Kyle, kami na nga lang ang hinihintay eh. 5:30 kasi natapos ang klase ko kaya naman ngayon lang kami nakarating nina Kyle. Buti nga eh hinintay ako ni Kylie eh.Nagkayayaan kasi ang barkada na manood daw kami ng sine after class, kaya naman andito kami ngayon sa may sinehan.
“Oo, ang tagal niyo.” Reklamo ni Dale.
“Bakit ngayon lang kayo?” tanong naman ni Tristan.
“Eto kasi si Krish eh, ang tagal matapos ng klase. Halos isang oras ko nga tong hinintay eh.”pagpapaliwanag ni Kyle.
Halos isang oras na pala siyang naghihintay sa akin dun kanina? Woah…ang sweet naman! haha
“Eh kasi naman yung prof naming, puro dada na lang ang sinasabi di pa talaga kami idismiss ng maaga.” Sagot ko naman kahit walang nagtatanong sa akin kung bakit ako natagalan. hehe
“Asus! Naku Kisha, maswerte ka na lang at pinagtyatyagaan ka netong si Kyle.” Panunukso na naman sa akin ni Leslie. Eto na naman siya oh.
“Pssh, tigilan mo nga ako Les.” Saway ko naman sa kanya.
“Naku, tama nga yan.. pasok na lang tayo sa loob.” Awat naman ni Ellie.
Pumasok na kami sa loob at saka humanap ng mauupuan. Pinili namin yung upuan na nasa pinakalikod talaga. Umupo na kami dala-dala ang mga pagkain namin, popcorn at drinks. At syempre pa katabi ko ang best friend ko na umupo. Hehe
Romance movie ang pinanood namin. Syempre mas marami kasing babae sa grupo namin kaya walang choice yung mga boys kundi pumayag na lamang sa gusto namin. HAHA
Matapos ang ilang mga advertisements ah nagsimula na rin yung movie. “My One and Only” yung title ng movie.
(A/N: gawa-gawa ko lang po yung title ng movie huh. hehe)
**KYLE’s POV**
Hayst, nakakaboring talaga ang hilig ng mga babae no? Romance movie? Tch.
Pansin ko lang kanina pa iniihipan ni Krish yung dalawa niyang kamay. Nilalamig ba siya?
Tinanggal ko yung leather jacket na suot-suot ko at saka ko isinuot sa kanya. Mukhang nagulat yata siya sa ginawa ko at tulala lang siyang nakatingin sa akin eh. Nginitian ko na lamang siya. Tapos nun inakbayan ko siya at saka ipinatong ang ulo niya sa may balikat ko.
“Kylie…” aangal pa sana sina pero di ko na siya pinatapos pa.
“Ssshhhh…” pinatahimik ko na lamang siya.
Di naman na siya nagsalita pa at nasa ganoong ayos kaming pinanood yung palabas.
**LESLIE’s POV**
Pssh, di raw sila nagkabalikan pero ang sweet-sweet naman nila.
Tong dalawang to oh. Di pa talaga aminin sa isa’t isa na mahal pa nila ang isa’t isa.
Siniko ko si bebe Troy ko. “Tignan mo silang dalawa oh.” Bulong ko pa sa kanya.
“Hayaan mo na.” bulong din niya sa akin.
WAHAHAHA, ang sweet talaga ng dalawang tong nasa harapan ko oh.
Etong boyfriend ko naman sa tabi ko mukhang wala yatang balak na isandal yung ulo ko dun sa balikat niya gaya ng ginawa ni Kyle kay Kisha. Psshh…
**KRISHA’s POV**
Ano ba yan. Wala na akong naiintindihan dito sa pinapanood ko. Paano ba naman kasi, di ako makapagconcentrate kasi kinikilig ako na medyo kinakabahan dito sa ginawa ni Kyle. Di ako makakilos ng maayos. Hehe
BINABASA MO ANG
My Best Friend was My Ex-Boyfriend
ChickLitex-boyfriend mo tapos naging bestfriend mo? HUH??? Posible ba yun? Eh pano pala kung dumating yung panahon na mare-realize mo na ayaw mo na siyang maging best friend? Dahil ang gusto mo eh buhayin yung nasira niyong relasyon? Mas posible kayang mang...