CHAPTER 4 - Little Fight

1.2K 20 8
                                    

CHAPTER 4

**KRISHA's POV**

"Good morning tita! Si Kylie po?"bati ko kay tita Anne, mama ni Kyle na kasalukuyang nag-aagahan.

"ATE LEEEEEEEEEEEEEEEE!"salubong naman sa akin ni Kelly habang tumatakbo papalapit sa akin at saka ako niyakap ng mahigit. Ang ingay talaga ng batang to oh. HIHI

"Oh, kumusta ka na?"bungad ko sa kanya.

"Heto po, paganda pa rin ng paganda."biro niya.

HAHA, ang adik lang din ng batang to oh... ^___^

"Naku! Kaw talaga! Mamaya niyan eh matalbugan mo na ako." Pagbibiro ko rin sa kanya.

Tapos sabay kaming tumawa. Pati si tita eh napatawa rin. Napakapilya kasi ng batang to eh.

"Si Prince po pala?"tanong ni Kelly.

HAHAHA, sabi na nga ba di talaga niya makakalimutan ang itanong tungkol sa bunso ko. pano ba naman kasi may crush etong si Kelly sa kapatid ko. HAHAHA

Ang babata pa nila may pa-crush-crush na talaga silang nalalaman.

"Ayeeeh, ikaw huh. Crush mo si bunso ko noh."pang-aasar ko sa kanya.

"Ate di nuh."namumulang sabi niya. di raw? Haha, denial effect di bagay! :P

"Asus! Wag nang magdeny pa."sabi ko sabay sundot sa may tagiliran niya.

"Ate, di nga po."pagkakaila niya pa rin.

"Asus! Pero kinikilig ka."-ako

"Medyo." Sabi niya tsaka kumaripas ng takbo papunta sa dining area. HAHA, tong bata talaga oh.

"Naku Krish, akyat ka na lang dun sa taas dahil hanggang ngayon eh tulog pa rin siya. Ikaw na lang ang gumising sa kanya."sagot ni tita dun sa tanong ko sa kanya kanina.

"Sige po." sagot ko. Tapos nun eh umakyat na ko sa taas.

Pinuntahan ko na yung kwarto ni Kyle. Wala nang katok-katok pa, diretso agad sa pagpasok. Haha, langya ba?! Di rin noh, eh siya nga ganito rin dun sa bahay namin eh. :P

Nadatnan ko si Kyle na nakatalukbong pa ng higa.

"Huy, gising na bata."sabi ko sabay inalog-alog yung balikat niya.

Wa epek?! Ganun?! Isa pa nga.

**Alog**Alog**Alog**

Wala talaga?! Aba naman at sinusubukan niya ang powers ko huh.

Kinuha ko yung alarm clock niya at saka ko nilapit sa may kanang tenga niya at pinatunog.

Wala pa rin? Di pa rin siya gumising at tinalikuran pa ako.

Aba naman! Talaga tong batang to oh. Grabe naman siya kung makatulog. For sure pag may sunog dito sa bahay nila di niya malalaman kahit pa mag-ring ang fire alarm nila sa sobrang bingi niya!. ><

Inalog-alog ko ulit siya. Wala pa rin.

**alog-alog**wala

**hampas**hampas**hampas** wala pa rin.

WAAAAAAAAAAH!

Ano ba!? Ayaw mo talagang gumising bata ka huh. Humanda ka't siguradong magigising ka na wala sa oras sa gagawin kong eto ngayon.

Hinubad ko yung sandals ko at saka umakyat sa kama niya. anong ginawa ko? tumalon-talon lang naman ako sa kama niya sabay sigaw ng "GISING BATA! GISIIIIING!"

Wala talaga!? Tulog mantika talaga tong lalaking to oh.

Tumalon pa ulit ako pero nung ikalimang talon ko eh bigla na lang ako na-out of balance at nadaganan ko si Kyle.

My Best Friend was My Ex-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon