CHAPTER 24
**KRISHA's POV**
"K-kyle?" gulat na gulat kong tanong sa kanya.
A-anong ginagawa niya rito? Teka, kanina pa ba siya nakatayo rito? Ibig bang sabihin nito’y narinig niya ang usapan namin nina Dean at... at nakita niya kaming nagyakapan?
“Teka nga Krish, bakit ka ba nag-aalala kung nakita niya? Hayaan mo na nga siya” sabi naman ng subconscious mind ko.
Hindi siya sumagot, sa halip ay naglakad lamang siya papalapit sa akin at saka iniabutan ako ng isang DVD.
"Ano to?"naguguluhang tanong ko sa kanya matapos kunin yung DVD na ibinigay niya sa akin.
"Sinabi mo kasi sa akin na hindi mo pa napanood ang Beastly movie. Kaya naman bumili ako ng DVD para sana panoorin natin ngayon. Ngunit..."pagpuputol niya sa kanyang litanya't saka ako tinitigan sa mata gamit ang mapanglaw na mukha.
"...nakalimutan ko, may date ka pala! Sige, una na 'ko! Bye bata!"pagtatapos pa niya at pagkatapos ay tuluyan na niyang tinahak ang daan palabas ng tarangkahan.
Bakit ganun? Ang kaninang makulimlim na mga tingin ni Kyle sa amin nina Dean ay napalitan ng isang mapanglaw na tingin habang sinasabi niya ang mga katagang to "...nakalimutan ko, may date ka pala! Sige, una na 'ko! Bye bata!" na wari bang siya'y nasasaktan?
Nasasaktan nga ba talaga siya dahil sa nagde-date na kami nina Dean? O assuming lang ako?
**KYLE's POV**
Hindi ko naman talaga nakalimutan na may date siya ngayon. Sa katunayan nga, ay yan na lamang ang tanging umiikot sa isip ko buong araw. Ngunit gayun pa man ay umasa akong makakauwi siya ng maaga nang sa gayon ay mapanood namin yung Beastly movie na sinasabi niyang di pa niya napanood.
Nang mamataan ko silang dalawa nung mukhang pusa na yun sa may tarangkahan ay agad na tumaas yung mga dugo ko. Hindi ko alam, bagamat inis na inis ako nung mga oras na yun habang nakikita ko silang nagtatalo, in a sweet way, kung sino ba ang unang papasok sa kanila. Mas lalo pa 'kong nabalutan ng inis, nang makita kong niyakap ni Krish ang pusang yun. Sa di maipaliwanag na dahilan, ako'y nakaramdam ng konting kirot sa puso, na wari bang may tumutusok dito! Hindi ko alam kung bakit! May makapagpapaliwanag ba sa inyo kung ano itong nararamdaman ko?
---------------------------
**Kinabukasan sa eskwelahan...
"Oh, nasaan na si Krish? Bakit wala pa rin siya rito?"tanong ko kay Ellie, na siyang pinaka-close friend ni Krish sa lahat ng mga babaeng kabarkada namin.
"May pinuntahan pa si Krish sa labas. Ang sabi niya'y mauna na raw tayong kumain."sagot naman niya.
Narito nga pala kaming magbabarkada sa cafeteria. Saktong breaktime naming lahat, kaya naman sabay-sabay na kaming magla-lunch kahit na pasado alas dos na ng hapon.
(Note: Kung hindi niyo na maalala ang mga kabarkada nina Krish, bisitahin niyo lang yung Chapter 11 ng story na to.)
Saan naman kaya nagpunta si Krish? Ang usapan kasi namin ay pagkatapos ng klase nami'y didiretso na kami dito sa caf. Kanina pa kami nandito at nakapag-order na nga kami. Pero bakit hindi pa rin siya dumadating? Binilhan ko pa naman siya ng paborito niyang pagkain na tapa.
Inilapag ko na muna sa lamesa yung mga pagkaing in-order ko at saka kinuha ang cellphone ko sa bulsa. Tinext ko si Krish ng "Wun?" at saka hinintay ang reply niya.
"Uy Kyle, ang dami mo namang pagkain! Biruin mo, dala-dalawang lunch meal talaga. Hindi ka pa ba pinakain ng agahan ng nanay mo?"pabirong sabi sa akin ni Tristan. Kahit kailan talaga tong lalakeng to, ang hilig mantrip! Pati pagpapakain ng nanay ko eh kinwestiyon din niya!
BINABASA MO ANG
My Best Friend was My Ex-Boyfriend
ChickLitex-boyfriend mo tapos naging bestfriend mo? HUH??? Posible ba yun? Eh pano pala kung dumating yung panahon na mare-realize mo na ayaw mo na siyang maging best friend? Dahil ang gusto mo eh buhayin yung nasira niyong relasyon? Mas posible kayang mang...