CHAPTER 1 - My Best Friend/Ex-Boyfriend

5.2K 59 40
                                    

CHAPTER 1

*KRISHA's POV**

“Bye bata! See you later! “

 “Sige bata, ingat  SILA sayo. Hehe”panunukso ko naman sa kanya

 “Tch, I hate you!”sagot naman niya nang naka-pout pa, pagkatapos eh nag-walk out na siya.

 Haha! Wag kayong mag-alala, di galit yun. Nagdadrama lang yun.

 Oops! Nakalimutan kong magpakilala. Ako nga pala si Krisha Lee Sanchez, isang second year college student. Ang course ko ay BS Biology. Obvious naman na di ba? Gusto kong maging doctor. And yes, yung taong kausap ko kanina? Siya si Denis Kyle de Guzman ,my BEST FRIEND. Actually he was my EX-BOYFRIEND!

HAHA, pano kami naging mag-best friends?

Simple lang, di kami BITTER sa isa’t-isa. If the relationship is not going well, at least save the friendship diba? And yes, yun nga ang ginawa namin. Well, from the very beginning naman eh friends na talaga kami. It’s just that Kyle fell inlove with me and so do I. Kaya ayun, naging kame. But we only last for 7 months. We had a misunderstanding, then things got more complicated until we BOTH decided to broke up. But then, hindi naman naging rason yun para magkailangan kami, instead mas naging close pa nga kami eh.

I didn’t expect that my EX BOYFRIEND will become my BEST FRIEND! HAHA

 “Hayyy, ang boring naman. Umalis pa talaga yung batang yun. Wala tuloy akong kausap at kakulitan. For sure makikipag-date na naman yun.“ sabi ko sa sarili ko.

 Oh, don’t misinterpret me. I’m not jealous noh. At isa pa, why should I?  Oo nga pala, bago ko makalimutan, BATA nga pala yung endearment namin. Bakit yun? Kasi pareho kaming isip bata! HAHA

Hay naku, ano ba ang magandang gawin? Di naman ako pwede gumimik, kasi may kanya-kanyang lakad yung mga barkada namin. Pati nga yun si Kyle eh may lakad din pala.

TING!

Ahh, alam ko na... buti pa sundan ko na lang yung batang yun sa date niya. HAHA. Lagot ka sakin bata ka! 

At yun nga ang ginawa ko, nagbihis na ako at tinext siya kung nasan na ba siya.

**Compose Message**

To: Bata Ko

           San ka ngayon? Pinapatanong kasi ni mama kung dito ka ba raw magdi-dinner maya.

**------------------------------------

HAHA, syempre imbento lang yun. Di naman talaga pinapatanong ni mama eh. Gawa-gawa ko lang yun.

Close kasi siya sa family ko. Para ngang parte na siya ng pamilya namin eh. Minsan nga eh dito siya natutulog sa amin, pero syempre hindi rito sa kwarto ko nuh. Dun siya sa guest room. Tapos madalas eh dito siya kumakain, at paboritong-paborito niya ang bawat luto ni mama. Kaya naman pangalan ni mama ang ginamit ko. HAHA

My Best Friend was My Ex-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon