"U-UHM... A-ano... Do... D-do you... Love mmmm... Z-Zara?" Seryoso akong tinignan ni Tyler. Pinagkatitigan niya ang mukha ko...
Nagpakawala siya ng Isang malalim na buntong hininga bago magsalita.
"I don't." Tugon niya habang diretsong nakatingin sa mga mata ko.
"I don't."
"I don't."
"I don't."
His answer keeps echoing in my mind...
What does he mean by "he don't."?
"Y-you... D-don't?" Kunot noong sambit ko.
"You heard me right. I don't love her." Diretso pa din ang pagtingin niya sa mga mata ko.
Diretso, walang bahid ng pagsisinungaling.
"B-bakit? D-diba... Girlfriend mo siya? Babe pa nga ang tawag ninyo sa isa't-isa. Ang sweet niyo pa. Babe endearment amp." Ani ko at pekeng tumawa.
Naguguluhan ako ng sobra! Don't tell me playboy na siya?!
"My father forced me into an arranged marriage. I'm trying my best to stop it from happening." Malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya bago ibinagsak ang sarili sa higaan.
Arrange marriage...
Pinilit lang siya...
Hindi niya mahal si Zara...
I don't understand. My heart and even my spirit are celebrating. I thought he loved Zara... That woman... She's got the nerve to cling to Tyler when he doesn't even love her.
Masaya ako...na gusto ni Tyler na matigil ang arrange marriage na ’yan.
"Ayaw mo ba talaga?"
"Of course. There's already someone who owns my heart. She's the only woman who owns it. No one can take her place. I'm hers and hers alone." Ngiting usal niya.
Teka... Bakit gumuguho nanaman ang kaninang saya na naipon sa loob ko? Ang tanga ko kung iisipin ko na ako ang tinutukoy niya dahil hindi niya nga ako maalala. Limang taon na din ang nakalipas... Malamang ay may nakilala nga siyang bago.
Malamang...
Sino kaya ang maswerteng babae na nakasungkit sa puso ng ama ng anak ko? Sino kaya ang babae na nakasungkit sa puso ng lalaking pinaka mamahal ko? Sino kaya ang babae na may hawak ngayon sa pusong minsan ko nang nahawakan... At minsan nang inialay sa akin...
She's lucky...
Napaka swerte niya dahil isang Tyler Jale Mondreel...isang pinapangarap kong mapasakin ng walang hadlang ang ngayong pagmamayari niya.
Ang taong pinaka mamahal ko... ay pagmamayari niya na.
"B-bakit noong umpisa pa lang... Bakit noong umpisa pa lang eh hindi ka tumanggi at sumangayon ka sa arrange marriage?" Hindi ko na alam ang sasabihin ko. Kung ano ano nalang ang lumalabas sa bibig ko...
Gusto kong itanong kung sino ang babae na ’yon... Pero masasaktan lang ulit ako.
Madadagdagan lang ang sakit...
Siguro... Magiging masaya nalang ako para sa kanila.
Tama....
"Dad said I should introduce the woman I love to him, and we need to have a child within two months... I couldn't introduce the woman I love to my father... I failed... So I have no choice but to obey. How stupid I am, huh? I didn't even know where she was at that time, so I couldn't introduce her." Bakas ang kalungkutan sa mga mata niya.
YOU ARE READING
The Last Light of Firefly
Mistero / ThrillerSimula bata pa lang si Victoria ay kinuha na siya ng sindikato. Dito na siya lumaki kung kaya't kailangan niyang sundin ang bawat ipinag-uutos sa kaniya ng mga ito...maging pag-patay pa 'yan ay kailangan niyang sundin. Paano kung pag-kuha na mismo s...
