Kapitulo 8

17 2 0
                                    

Kapitulo 8

Lunch

Sometimes, plans don't happen. Or they take a while before they're implemented—a long while.

"Cy, kain tayo after class?" Adiel requested for the third time this week.

Ever since the back-to-school season, Cyra had been busy to the point of declining Adiel's food trip requests. May iba pa kasing orgs si Cyra na na-promote siya, kaya, ayon, busy ang student council secretary more than the average student.

"Sorry, Diel, mamaya namin gagawin 'yong poster para sa International Youth Day event next week, e, so pass muna ako," Cyra said, a bit regretful.

"Ahh, okay. Ingat ka pauwi." Adiel says with a smile despite his dismay.

Everyone else in the class was preparing to leave since tapos na ang huling klase nila. Their teacher was erasing the writings on the whiteboard. Outside the room, the sky was gloomy. Tila uulan na.

Adiel looked at Cyra again and checked her bag. When he saw an umbrella, he nods and internally agrees not to wait for her anymore. Kung wala kasing payong ang babae, hihintayin ni Adiel dahil mukhang uulam ulit. Maulan nitong nakaraang mga araw, e.

"May payong ba kayong lahat? Mukhang uulan," salita ng guro sa harap. Sumagot ang ilan bago nagpasiya ang guro na palabasin na ang mga estudyante.

"Uwi agad, ah," utos ng guro. "'Wag na pumunta kung saan-saan. Gawin n'yo 'yong homework n'yo."

"Ma'am, 'di puwede, may date pa kami ng boyfriend ko," biglang sabi ng isang kaklase ni Adiel.

Nagtawanan ang mga estudyante at napangisi ang guro. "Aba, sino 'yang boyfriend mo?" tanong ng guro.

"Secret, Ma'am, basta pogi siya. Kaya, sorry, Ma'am, 'di pa ako makauuwi. Pero may payong naman 'yon, Ma'am, papayungan ako no'n," mayabang sa sagot ng estudyante.

Umiling ang guro sa kalokohan ng estudyante at tumalikod na para maglakad. The class went down from the building and dispersed. Ang ilan ay inabangan ang mga kaibigan sa ibang section. Ang iba ay umuwi na. Habang ang natira ay pumunta sa kani-kanilang org meetings.

Adiel was one of those that went home. Sad. Disappointed. He walked home. Puwedeng magdyip para makapunta sa bahay niya, pero kaya rin lakarin ang distansiya.

The teenage boy hadn't gotten the opportunity to show Cyra what he felt because the latter was busy. Completely busy. Wala pang nagagawa si Adiel, pero nauubos na ang oras niya. Iyon ang pakiramdam niya. Parang nasasayang ang mga araw niya.

Hindi rin nakatutulong na hindi na sumasagot palagi si Cyra sa kaniya. Adiel knew she was busy, but he knew the girl too well to think that Cyra was too busy to reply. Walang busy-busy kay Cyra dahil sumasagot nga 'yan kahit nag-aaral 'yan, e.

Ayaw aminin ni Adiel sa sarili ito, pero mas nagiging halata para sa kaniya ang lahat habang tumatagal.

Umiiwas si Cyra Kapili sa kaniya.

He wasn't imagining it. He saw the signs. He felt the signs. He was right. Naghahabol siya, pero lalong lumalayo sa kaniya ang hinahabol niya.

Pero bakit?

May nagawa ba siya?

Bago naman 'to, okay sila, ah? Oo, hindi niya nakausap nang madalas si Cyra no'ng summer, pero okay sila. Okay na okay, hindi ba?

Did Cyra get hurt by anything he said or did? Hindi maalala ni Adiel kung may nagawa man siya. Iyon ay dahil prangka si Cyra; kapag inis o galit siya sa 'yo si Cyra, mahahalata mo agad. Ipakikita niya sa 'yo ang iritasiyon niya. Kaya, hindi galit si Cyra sa kaniya. Umiiwas lang talaga.

MiraeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon