Klent's POVNandito ako ngayon sa library nagre-review dahil may long test kami mamaya.
Wala akong kasama dahil class hour ngayon, kung nagtataka kayo kung bakit nasa library ako ay hulaan nyo
Wala kasi yung prof namin kaya dito nalang ako tumambay habang hinihintay ang next sub ko.
Habang nag r-review ay may biglang tumabi sa'kin.
"Hey"
Dumako ang tingin ko rito at nakitang si Emily lang pala.
Emily is my bestfriend since birth, huy! eme lang
Sya ang una kong nakilala rito sa University, tranferee ako rito kaya wala akong kilalang students pero I'm thankful pa rin kasi nakapasa ako sa scholarship.
So back to the story, nandito na naman s'ya dahil trip na naman n'ya ko.
"Let's go home na!" masayang sabi niya.
"Huh? may next sub pa ah" nagtatakang ani ko.
"Girl hindi ka talaga nagbabasa sa page, nag announce na cancelled ang pasok dahil may meeting daw ang mga professors" naka-irap nyang pahayag.
"Oh I see, sorry naman, wala akong phone 'diba? so paano ko makikita yung post aber?" mataray kong saad.
"Ay oo pala hehe, sorry my bad" nagpa-pacute niyang sabi
"Yuck, ang pangit naman, maka-alis na nga" kunyaring naiirita kong ani.
"Girl wait!" pagta-tawag ng kupal.
"Daan muna tayo kay Kuya Bepot" hinihingal niyang sabi dahil sa paghabol sa'kin, if you wonder kung sino si Kuya Bepot ay siya yung nagtitinda ng mga street food sa labasan.
Dumaan muna kami sa Faculty dahil may ipapasa raw muna siya bago umuwi.
Nandito na kami sa pwesto ni Kuya Bepot at ito namang kupal na babaeng 'to ay hindi na mag-kandaugaga sa pagbili dahil baka raw maubusan siya.
May point din naman siya dahil marami na ring nagsisi-uwian na estudyante.
Habang kumakain ay naupo kami sa Waiting Shed na malapit lang sa pwesto ni Kuya Bepot.
Habang nagku-kwentuhan kami ay biglang umulan nang malakas.
"Gosh paano tayo makaka-uwi nito?" kinakabahang tanong ko.
"Patilahin na muna natin ang ulan" chill niyang sabi, palibhasa kasi hindi strict ang parents niya eh.
Habang hinihintay ang pagtila ng ulan ay ang pagka-karoon naman ng traffic dahil sa malakas pa ring ulan.
"Wow nakikita mo ba yung sasakyan na yun?!" gulat at tuwang saad ni Emily.
"Malamang nakikita ko, may mata ako eh" pilosopo kong saad.
"Ang gara naman nun, ayun yung dream car ko eh, pero minsan mas dream car ko siya" nagda-dayream na pahayag niya.
"Yuck! Kadiri ka Ems" nandidiring saad ko.
"Joke lang eh" tumatawang sabi niya.
Naghintay pa kami nang matagal hanggang sa tumila ang ulan at napag-desisyonang umuwi na.