CHAPTER 5

1K 43 1
                                    


Klent's POV

"Sorry? para saan?" takang tanong ko.

"For bringing you here" saad niya.

"Ahh" ang tanging saad ko kasi hindi ko na alam kung anong sasabihin ko shuta

"Do you wanna go home na ba?" tanong nito sa'kin dahil alangan namang sa iba 'diba? eh kami lang namang dalawa rito.

"Oo sana, pwede na ba?" tanong ko.

"Hmm yeah" tumayo na siya at naunang naglakad papunta sa kung nasaan ang sasakyan niya.

Tumayo na rin ako at sinundan siya.



Nasa loob na kami ng sasakyan at nagsimula na siyang mag drive.

Kapwa lang kaming tahimik at nakikinig na lamang ng radyo ng sasakyan na sinindihan niya kanina.

"Are you hungry?" maya-mayang tanong niya.

Gutom? Eh kakain lang namin kani-kanina eh, anong kala niya sa'kin oras-oras gutom? Sumosobra na 'to ah! Huy kimi lang.

"Busog pa'ko, kakakain lang natin kanina eh" sagot ko.

"Just checking" tanging saad niya.

Habang nag d-drive siya ay nakadungaw lang ako sa bintana ng sasakan at tinitignan ang mga nadadaanan namin.

Hanggang ngayon ay namamangha pa rin ako sa ganda ng City kahit mag d-dalawang taon na'ko rito.

"Oh shi—I forgot! Saan pala kita ihahatid?" taranta niyang tanong.

Hala ang cute naman, natataranta rin pala siya? akala ko kasi puro pagsu-sungit lang ang alam niya eh.

"Why are you laughing woman?" takang tanong niya.

Ayan na naman siya sa kilay niyang magkasalubong na naman.

"Ang cute mo kasi kanina tapos ngayon nagsu-sungit ka na naman" saad ko.

"C-cute? M-me?" utal na tanong niya.

"Yep" naka-ngiting sabi ko.

Napansin ko naman ang pagpula ng dalawang pisngi niya.

Hala nag b-blush ba siya?! Angas naman.

"Nag b-blush ka ba?" tanong ko.

"What?! O-of course n-not" sabay iwas ng tingin.

Sus deny pa more

"Okay sabi mo eh" tanging sabi ko at sinabi na rin ang address kung saan ako ihahatid.

Nagpahatid ako sa Apartment kung saan ako tumutuloy.

Pinagpatuloy niya na ang pag d-drive habang ako ay napagdesisyonang matulog na muna dahil mukhang mahaba-haba pa ang byahe.







"Wake up sleepy head" malambing na saad ng gumigising sa'kin.

"Hmm nandito na ba?" pagtatanong ko at binuksan ang isang mata.

Tinakpan naman niya ang ilong niya na parang nabahuan.

WTH?! Mabaho ba hininga ko? May bad breath ba'ko?!

"Why? Mabaho ba hininga ko?!" pasigaw kong tanong.

"Nah I'm just kidding" natatawang saad niya.

OMG ANG GANDA SHUTAAAA

"H-hala tumawa ka!" gulat at mangha kong sabi.

"Yes? Is there something wrong?" tanong niya

"Ah wala, nagulat lang" tanging saad ko.

Nilibot ko ang tingin at napansing nandito na kami.

"Thank you sa paghatid, gusto mo bang pumasok muna?" tanong ko rito.

"Sure" sagot niya.

Binuksan ko ang pinto at pinapasok siya, pinaupo ko muna siya sa maliit na couch sa sala.

"Upo ka muna, pasensya na maliit lang kasi 'tong apartment ko eh" nahihiyang saad ko.

"It's fine"

Iniwan ko siya at gumawa ng juice, nilapag ko ito sa harap niya at nagpaalam na magpapalit na muna.

Habang nagbibihis ay nakita ko yung wallet na nahulog niya sa Grocery Store.

Nang matapos mag bihis ay kinuha ko ito at dinala sa kanya.

"Yung wallet mo pala nahulog mo sa Grocery Store, sorry kung ngayon ko lang naibigay, hindi ko kasi alam kung saan at paano ko 'to ibibigay sayo, sorry din kasi binuksan ko yan, tinignan ko kasi kung may I'd para sana maihatid ko, promise wala akong kinuha ni isa diyan" mahabang saad ko at tinaas pa ang kanang kamay na parang nanunumpa.

Ngunit ang pinagtaka ko ay parang hindi manlang siya nagulat at parang expect niya 'to.

"Okay" tanging saad niya.

"Okay?" takang tanong ko.

"Yeah anyways I have to go na" so conyo naman this girl

Angas ah hindi manlang nag thank you? ang kapal ng mukh—kimi, buti nalang maganda siya.

"Sige Ingat sa pag drive" at hinatid ko na siya sa labas

"Will do" tanging sagot niya at akmang papasok na sa sasakyan niya ngunit nagulat ako dahil humarap siya sa'kin at biglang hinalikan ang gilid ng labi ko.

"Bye" saad niya bago pumasok sa sasakyan at pinaharurot ito habang ako ay tulala lang na nakamasid sa nakaalis na sasakyan.











But little did she know ay may nakamasid pala sa kanya sa 'di kalayuan.














Miss A: Hmm sino kaya yun?

Why me Attorney?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon