CHAPTER 17

756 39 12
                                    


Klent's POV

Nandito ako ngayon sa kama, nakahiga pa rin.

Tinignan ko ang oras sa wall clock, malapit na ang first sub.

May pasok ngayon pero feel ko hindi ako makakapasok.

Sobrang sakit ng katawan ko, masama rin ang pakiramdam ko.

Lalagnatin pa yata ako.

Lumabas ako ng kwarto at dumiretsyo sa kusina para uminom ng tubig dahil sobrang dry nang lalamunan ko.

Bukas nalang siguro ako papasok.

Hindi ko naman ma-text si Ems dahil wala akong phone, hindi pa'ko nakakabili.

Magluluto ako ng lugaw, sakto ay may natirang kanin kagabi.

Habang nag hihiwa ng bawang ay hindi ko mapigilang ubuhin dala na rin siguro ng lagnat.

Nang matapos sa pag pr-prepare ng ingredients ay nagsimula na'kong mag luto.

Lalabas ako mamaya para bumili ng gamot.


Nang matapos akong magluto ay inayos ko na ang mesa para makakain na.

Nang matapos kumain ay nagligpit na'ko at inayos ang pinagkainan.

"Ang kati ng lalamunan ko shuta" mahinang saad ko sa sarili.

Bumalik ako sa kwarto para mahiga ulit dahil hindi ko talaga kaya.

Agad akong nagkumot dahil nilalamig ako kahit hindi naman talaga malamig.

"Grrr ang lamig"

Matutulog na muna ako bago bumili ng gamot.


Nagising ako dahil sa katok na nagmumula sa pinto.

*Knock Knock Knock!*

Gosh hindi ba siya makahintay? Parang gigibain na ang pinto ko sa paraan nang pagkatok niya.

Sino ba kasi yun? Hindi naman pwedeng si Ems dahil oras nang klase ngayon.

"Sino ya—Ariadne?" gulat at takang tanong ko.

Anong ginagawa niya rito? May pasok ah?

"Hello?" ani niya.

"Pasok ka muna" pag aaya ko.

Agad naman siyang tumalima at naupo sa couch, ay feel at home yan?

"Bakit hindi ka pumasok?" agad na tanong niya.

"Paano mo alam na hindi ako pumasok?" tanong ko rito.

"Duh~ we're classmates kaya" maarteng saad niya.

"Ano?! Bakit hindi ko alam?" umirap naman siya.

"Ngayon pa lang kasi ako papasok" saad niya.

"So bakit nga hindi ka pumasok? Stop changing the topic woman" malamig na ani niya.

"Masama kasi pakiramdam ko eh" mahinang saad ko at umupo sa katabi niyang upuan.

"What?!" agad siyang lumapit sa'kin at hinipo ang noo ko.

Oh baka kung anong iniisip niyo sa "hinipo" ah, mga pagiisip niyo talaga eh parang ako, lol.

"You are so fvcking hot, you are burning!" oa na saad niya.

"I know" nakangising ani ko.

Nilalagnat na nga't lahat-lahat ang yabang pa rin.

"Idiot, that's not what I mean" pairap na saad niya.

"Have you taken your medicine?" maya-mayang ani niya.

Agad nanlaki ang mata ko nang maalalang hindi pa pala ako nakakabili ng gamot.

"Ah h-hehe, h-hindi pa eh, nakalimu—"

"Idiot, wait me here" kaagad na sabi niya at lumabas na.

Nakaupo lang ako habang hinihintay siyang bumalik, napapapikit na ang mata ko dahil sa sipon at isama mo pa ang ubo kong nakikisabay.

*Knock Knock Knock!*

Bakit pa siya kumakatok dyan eh, hindi niya na nga nilock ang pinto?

Mas lumakas pa ang pagkatok nito.

"Sandali lang!" ani ko rito.


"Bakit ka pa ku—Prof Clemontè?" takang tanong ko.

"Anong ginagawa mo rito? 'Diba may klase ka pa?" agad na tanong ko.

"Yeah, what's wrong?" tanong niya nang makita ang nakabalot ng kumot.

"Nilalagnat po kasi ako eh"

"Did you—" hindi na niya natuloy ang sasahin niya nang dumating si Ariadne na dala ang mga gamot.

Ang dami naman niyang binili.

"Ate? What are you doing here?" gulat at takang tanong ni Ariadne rito.

Ate? Magkapatid sila?

"I should be the one to ask you that" malamig na saad naman nang isa.

"Teka-teka, pwede bang pumasok muna kayo?" ani ko.

Pumasok naman sila agad.

"Anong 'Ate' Ariadne? Magkakilala kayo?" takang tanong ko.

"You know each other?" tanong din naman ni Prof sa'kin.

"Teka muna, sagutin niyo muna ang tanong ko" agad na ani ko.

"She's my sister" ani ni Ariadne.

HA?! ANO RAW?! Bigla yatang nawala ang lagnat ko sa narinig.














Miss A: Comment kayo baks :)

Why me Attorney?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon