CHAPTER 21

733 42 5
                                    


Klent's POV

Nang matapos ang tagpong iyon ay nagpa-surprise quiz niya.

Angas 'diba? Buti nalang talaga medyo alam ko yung topic na yon.

Lesson learned, wag gagalitin ang isang Prof Clemontè.

Kakatapos lang ng subject namin kay Prof.

Naghahanda na'ko ngayon dahil hahanapin ko pa si Ems, bigla kasing umalis eh.

Akmang isusukbit ko na ang bag ngunit hindi ito makuha.

Anyare?

Putangin—sinong nagtali ng bag ko?!

Huhu, masarap sana ulam niyo, shuta ka.

Naiwan na'ko ngayon dito sa room dahil sa pagtatanggal ko sa pagkakatali ng tali ng bag ko sa upuan.

Shuta naman eh.

Kung sino mang may gawa nito, humanda ka bukas dahil babatukan kita nang pagkalakas-lakas.

"Olsène" ano na naman ba?

Tama ka na Prof.

Naiiyak na'ko rito, masyadong mahigpit ang pagkakatali.

Napapadyak nalang ako sa inis dahil sa hindi ko sila mapaghiwalay.

Shit. Paano na'to?

"Miss Olsène, Are you deaf?" paguulit niya.

Inis ko naman siyang nilingon.

Rude ba? I know, sorry naman.

"Bakit po?" pagtatanong ko.

"Come to my office" agad na saad niya at lumabas na.

Eh? Hahanapin ko pa si Ems, baka kung ano  nang nangyari dun.

"Sige po, susunod nalang po ako" ani ko at bumalik ulit sa ginagawa.

"Now" akala ko umalis na siya?

Sinubukan ko ulit tanggalin pero ayaw pa rin.

Dahil sa inis ay sinipa ko ang upuan at natumba naman ito kaagad.

"Hey, what's wrong?" lumapit siya sa'kin at nakita ang bag ko.

"Uh-oh, who did that?" seryosong tanong niya.

"Hindi ko rin po alam Prof" pag aamin ko.

"Scissor" huh?

"P-po?" takang tanong ko.

Huminga naman siya nang malalim na parang kinakalma ang sarili bago sumagot.

"Where's your scissor? ah yun pala, akala ko ano eh.

Kinuha ko sa bag ang pencil case at kinuha ang gunting saka ito inabot sa kanya.

Walang anu-ano ay ginunting niya ang tali ng bag ko.

Napanga-nga ako sa ginawa niya.

Hindi ko nga ginunting tapos siya naman ang gagawa?!

Hindi pa'ko nakakabili ng bagong bag.

Buti sana kung maliit lang yung ginunting niya pero–'te! halatang-halata yung gupit.

"Prof bakit mo naman ginupit?" maluha-luhang tanong ko rito.

"Hush, stop it nga. I can buy you a new one, or even dozens of that, I won't mind" ani niya at nauna nang lumabas.

Hindi pa rin ako makagalaw dahil sa ginawa niya sa bag ko.

"Olsène faster. I hate waiting" agad naman akong namula sa sinabi niya.

Ang dumi ng utak ko grabe, I think kailangan ko ng isang daang gallon ng Holy Water rn.

Why me Attorney?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon