CHAPTER 6

1K 37 0
                                    


Klent's POV

Maaga akong nagising dahil nag review pa'ko para sa long test namin bukas.

Habang nags-sapatos ay may kumatok

Geez nakakagulat naman yun

Habang nag sisintas ng isang sapatos ay lalong lumalakas ang katok mula sa pinto.

"Sandali lang!" sigaw ko.

Atat lang? Sino ba yun? Binuksan ko ang pinto at bumungad si...







Emily, ginagawa niya rito? ang aga naman nitong babaeng 'to.

"OMG GIRLLLL" gulat na sigaw niya at agad na niyakap ako bago tinignan mula ulo mukhang paa—ay hanggang paa pala.

"Ayos ka lang ba? May ginawa ba yung Dyosang babaeng yun sayo? Saan ka niya dinala? Sinaktan ka ba? Anon—" hindi ko na siya pinatapos mag salita dahil naririndi ako sa boses niya, ang aga-aga ang ingay-ingay.

"Geez okay lang ako, kita mo naman 'diba? humihinga pa naman at pwede ba wag kang tumili? ang sakit sa tenga Ems" irita kong saad.

"Ito naman galit agad, nagalala lang naman ako" saad niya.

"Sorry ikaw kasi eh" sisi ko sa kanya.

Humawak naman siya sa dibdib niya na tila nasasaktan at nag d-dramang tumingin sa'kin.

"Oa ng oat na 'to" ani ko at naglakad papunta sa sala para ipagpatuloy ang pagaayos.

Nang matapos na'ko mag sintas ay nagsuklay na'ko, si Ems naman ay dumiretso sa kusina dahil iinom daw siya.

"Girl may chika ako" excited na ani niya.

"Ano na naman? pag yan fake news ah" saad ko habang nag aapply ng lipbalm sa harap ng salamin.

"Gaga hindi, usap-usapan kahapon na papalitan na yung terror na teacher natin sa Physics" saad niya.

"Weh?!" gulat at masayang ani ko.

Sana nga totoo, ayoko kasing teacher yun, masyadong terror eh, naalala ko pa nung pinahiya ako nun dahil na-late ako nang 2 minutes sa klase niya.

"Yes pero hindi pa naman sure" sagot naman niya.

"Girl anong oras na?" tanong niya sa'kin.

Tinignan ko ang oras sa wall clock at nanlaki ang mata ko dahil...







"LATE NA TAYOOOO!"

Why me Attorney?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon