Klent's POVSa wakas ay naka-uwi na rin, nang matapos kaming kumain ay hinatid na rin niya 'ko.
Mabuti nalang at hindi ako nakita ni Prof.
Agad akong nagbihis para makatulog na.
Ang sakit ng katawan ko baks.
Nang makapagbihis ay agad kong itinapon ang sarili sa kama.
Nagising ako sa ingay ng alarm ko.
Ahh may pasok pa'ko.
Katamad shuta.
"HOY BABAE ANONG ORAS NA HINDI KA BA PAPASOK?!" ani ng tao sa labas ng pinto.
Kahit nasa labas rinig ang kaingayan niya.
Sinuot ko ang panloob na tsinelas at binuksan ang pinto.
Bumungad sa'kin si Ems na nakabusangot, bibe yarn?
"Mag bihis ka na bilisan mo!" pag uutos niya.
Inirapan ko na lamang siya at dumiretsyo sa kusina para sana mag luto ng umagahan.
"Yah, sa school ka na kumain, ililibre nalang kita, mal-late na tayo kung kakain ka pa" inis na ani niya.
Sorry naman, napagod kaya ako kahapon.
Nagpunta na'ko sa banyo para maligo, ginawa ko na ang mga dapat kong gawin.
Nang matapos ay agad akong nagbihis.
"Let's go" ani niya.
"Huy girl, wala ka bang chismis diyan?" tanong ni Ems.
Mukhang chismis ampt.
Nandito na kami sa room, marami-rami na rin ang nandito dahil nga anong oras na rin.
Hinihintay nalang namin si Prof.
"Wala, gaga ka puro ka chismis" inis na saad ko.
"Tsk, pake ko" ani niya at humalukipkip sa tabi ko.
Bakit ba 'to nandito? Sa likod ang upuan niya eh.
Sumandal ako sa likod ng upuan at pumikit dahil balak ko sanang matulog, mukhang hindi naman papasok si Prof.
"Good morning Ma'am!"
"Good morning Prof"
"Ganda mo ngayon Prof!"
"Prof nagiging straight na'ko!" 'grabeng Josh 'to, adik.
Agad naman na nagtawanan ang mga kaklase ko.
"Quiet!" yan buti nga.
Agad na silang nanahimik dahil nakakatakot si Prof Clemontè.
Bad trip na naman yata siya.
Lagi naman, walanh bago, mwehehe.
"Get 1 whole sheet of paper" maikling ani niya.
Eh?
"Prof?!"
"Hala"
"May quiz?!"
"Hoy pakopya"
"Maawa ka sa'min Prof!"
Ang ingay shuta.
Paawat ka naman Prof!
Hindi pa naman ako nakapag-advance study dahil sa pagod.
Lagot.
Anong isasagot ko nito?
"Again, Quiet!" pagpapatahimik ni Prof.
Nilibot niya ang tingin at dumako ito sa'kin.
Matagal niya 'kong tinitigan bago samaan nang tingin.
Anong ginawa ko sayo Prof?
Grabe makatingin ah, parang lalapain ako nang buhay—go lang, eme.
"Miss Olsenè" pagtatawag niya sa'kin.
Bakit ako?!
"Y-yes?" shuta kinakabahan ako, katakot siya.
"Stand up, here infront" seryosong ani niya.
Ano raw?! Ayoko nga, adik ba siya?! Wala naman akong kasalana—
"Olsenè!"
Agad akong sumunod sa utos niya at tumayo sa harapan.
Nang makarating ay nagsulat na siya sa Board ng questions.
Ah so hindi niya 'ko pag t-take ng quiz?!
Sayang yung points!
Hindi naman yata tama yun!
Napapadyak ako ng paa dahil sa inis.
"Yes Miss Olsenè?" narinig niya?! psh.
"Nothing, sorry Prof" ahh I hate her.
Pinagpatuloy niya lang ang pag sulat sa board.
Naiiyak na'ko! Bakit kasi?! Wala naman akong kasalanan ah.
Tsk. 'Di tayo bati.
Miss A: Sorry sa late ud, busy lang. 🫰🫰🫰