Klent's POV"Ariadne? a-anong ginagawa mo rito?" takang tanong ko rito at iginaya siya papasok.
"Hmm" ang tanging ungot niya dala na rin siguro nang kalasingan.
"Sandali lang, kukuha ako nang ipambabanyos sayo" ani ko rito.
Inihiga ko siya sa couch at dali-daling kumuha ng bimpo at maligamgam na tubig.
Ano ba kasing problema nito at naglasing siya?
Nang makumpleto ang ibabanyos ay bumalik ako sa pwesto niya.
"Hey, babanyusan kita ha?" saad ko rito.
Mahinang pag-ungot niya lang ang narinig ko.
Sinimulan ko na ang pagpunas sa kanya.
Nilihis ko rin kaunti ang kanyang damit para mapunasan siya sa loob, dahil ang lagkit at amoy alak siya.
Nang ipupunas ko na sana ang bimpo sa leeg niya ay siya namang paghigit niya sa kamay ko.
"Ariadne?" pagtatawag ko rito.
Iminulat niya ang mata at bumangon sa pagkakahiga.
"Ahh" daing niya at humawak sa kanyang sintido.
"Sakit no?, wag ka kasing bigla-biglang uupo besh" natatawang ani ko rito.
"Water p-please" pakiusap niya habang nakapikit ang mata.
Tumungo ako sa kusina para ikuha siya ng tubig, nang makakuha ay agad ko itong iniabot sa kaniya.
"Thanks" saad niya at agad na ininom ang tubig.
"Gusto mo bang ipagtimpla kita ng kape?"
Tumango naman siya.
Shuta, inaantok na'ko huhu.
"Kape mo oh" ani ko at iniabot ang tasa sa kanya.
Habang sumisimsim ng kape ay mukhang nahimasmasan naman siya.
"Pwede ba'kong magtanong?"
Agad naman siyang tumango.
"Anong ginagawa mo rito? saka bakit ka naglasing? gabi na ah" pagtatanong ko.
Tumitig siya sa'kin bago ako sagutin.
"Nothing" maikling ani niya.
Nothing?! Anong nothing ka diyan?!
"H-huh?"
"S-sorry if I disturb you, Klent" nakaiwas tinging ani niya.
"Ayos lang, wag mo nalang gagawin sa susunod"
Namayani ang katahimikan sa'min ngunit naputol din ito nang magsalita siya.
"I have to go now, sorry ulit"
"Sigurado ka? kaya mo bang mag drive? baka mapano ka sa daan niyan?" naks ang daming tanong Klent.
"I'm fine, I can drive naman, I guess?" alanganing saad niya.
Sus eme ka diyan.
"Dito ka nalang muna matulog"
Agad naman nanlaki ang mata niya sa narinig.
"P-pwede b-ba?" pagtatanong niya.
"Oo naman, dun ka na sa kwarto ko, dito nalang ako sa sala"
"H-huh? h-hindi, dito nalang ako" ani niya.
"Bisita ka kaya dun ka na, sige na, dito na'ko"
"No, uuwi nalang ako" hays ang kulit.
"Okay ganito nalang, tabi nalang tayo sa kama ko? medyo malaki naman yun eh"
"Are you s-sure?" paninigurado niya.
"Yep, magshower ka na muna, amoy alak ka"
Tinuro ko sa kanya ang banyo at agad naman siyang pumasok dito.
Habang nasa loob siya ay hinanda ko na ang susuotin niya.
"Ari? yung damit mo" pagkakatok ko sa pinto.
Agad naman niya itong inabot.
Habang nasa loob pa siya ay inaayos ko na ang higaan.
Naglagay ako nang harang sa gitna, nilagyan ko ito ng unan na siyang magsisilbing pagitan namin.
Hindi nagtagal ay lumabas na rin siya.
"Ayos ka na? tulog na tayo" ani ko rito.
Nang makahiga siya ay pinatay ko na ang ilaw.
Ahh makakapagpahinga na rin sa wakas.
Tumalikod ako nang higa rito at pumikit na.
"Goodnight"
"I wish I was her"