Klent's POVSince suspended ang klase ay napag desisyonan kong pumunta nalang kay Kuya Bepot, kasama ko pa rin si Ariadne.
"Are you okay now?" tanong niya nang makarating kami sa pwesto ni Kuya Bepot.
Agad naman akong tumango at ngumiti.
Kita ko agad ang pagpula ng mukha niya sa ginawa ko.
Sinalat ko ang noo niya, nabigla naman siya sa ginawa ko.
"What are you d-doing?" tanong niya.
"Nothing" sagot ko.
"Anong gusto mo?" tanong rito sabay inom ng palamig.
"You" agad na sagot naman niya.
Huh? Adik ba siya? Anong "You" ka dyan?
"Ano?" paguulit kong tanong.
"I-I mean bahala k-ka na" sabay iwas tingin niyang saad.
"What is this orange thing?" tanong niya nang makita ang kwek-kwek.
"Kwek-kwek yan, paborito ko, gusto mo ba?" tumango naman siya kaagad.
"One pek-pek please" ani niya kay Kuya Bepot.
Agad na nanlaki ang mata ko at naibuga ang iniinom ko.
Shuta anong pek-pek?! Huhuhu.
Mayayaman talaga, ang hilig mag imbento ng salita, may sariling tawag ba naman, jusko.
Natawa naman si Kuya Bepot sa sinabi nitong katabi ko at binigyan na rin ng isang kwek-kwek.
"Kwek-kwek yan ate ko, Jusko ka" stress na saad ko.
"Hmm it's delicious, I like it" ani niya sabay kagat ulit sa kwek-kwek.
Tumusok na rin ako sa tinda ni Kuya at nagsimulang sumubo.
"I know, kaya nga paborito ko 'to eh" nakangiting sabi ko.
Tumango lang siya at bumili ulit.
Natatawa ako sa itsura niya dahil sa bawat kagat niya ay napapapikit siya.
Nang mapansin ako ay agad na sumeryoso ang mukha niya.
"What's funny woman?" tanong niya.
"Huh? Wala ah" pagiiwas ko sa tanong niya.
Nagkibit balikat lang siya at pinagpatuloy niya ang pagkain.
Maya-maya pa'y umuubo na siya sabay tapik sa dibdib niya.
Agad naman akong nag panic at dali-daling humingi ng palamig kay Kuya ngunit hindi pa naibibigay ang palamig ay kinuha niya ang akin at iyon ang ininom.
Nagulat ako sa ginawa niya pero hinayaan ko nalang.
"Ayos ka lang ba?" sabay himas ko sa likod niya.
"Yes, thanks to your palamig" naks alam na niya ah.
"KENNY!" malayo palang siya pero rinig na rinig na ang boses niya mga sis.
Tumakbo siya palapit sa'min.
"Girl saan ka ba galing? Kanina pa kita hinahanap nandito ka na pala, buti nalan–" agad na naputol ang sasabihin niya nang makita ang katabi ko.
"Ikaw na naman?!" ani niya rito.
Ngunit tinaasan lang siya ng kilay nito.
"Tama na nga yan Ems, kumain ka muna, libre ko" ani ko rito.
"Wow himala! Anong nakain mo't bumait kang babae ka?" pagtatanong niya.
Inikutan ko lang siya ng mata.
Dumako ang tingin ko sa gate ng School.
Nakita ko si Prof Clemontè na nakatingin lang sa'min, nang makita ako nito ay lumiko na siya nang daan at hindi tumuloy.
Hinayaan ko na lamang ito at binalik ang tingin sa dalawa na ngayon ay sobrang sama nang tingin sa isat-isa.