CHAPTER 26

688 35 10
                                    


Klent's POV

Nang matapos ang quiz ay agad siyang nag ayos ng gamit.

Akala ko ay lalabas na siya ngunit huminto siya sa harapan ko.

"Come with me" ani niya.

Ngunit hindi ako gumalaw at nanatiling nakatayo lang.

"Olsenè" pag tatawag niya ulit.

Hindi pa rin ako gumagalaw, ayoko nga.

Galit ako okay? 'Di tayo bati Prof.

Manigas ka kakahintay diyan, psh.

Hindi pa rin siya umaalis at tinitigan ako nang masama bago ako hilahin palabas ng room.

"Prof bitaw!" pag p-panic ko.

"Shut up" ani naman niya pabalik.

Mas pinili ko na lamang ang tumahimik gaya nang sinabi niya, baka mabatukan ako nang wala sa oras eh.

Ito na naman yung puso ko na akala mo nagkakarera, kaya ayokong nalalapit sa kanya dahil dito.

Delikado na talaga 'to baks, nahuhulog na'ko, masasalo niya ba 'ko? o trip lang niya 'to?

Pa-fall kasi, kakainis.

Nakarating na kami sa office niya, nang makapasok ay agad niyang nilock ang pinto.

Ang daming alam may palock-lock pa ng pinto.

Tsk.

"Sit" aso lang? agad akong naupo sa upuan na nasa harap lang din ng upuan niya.

Humlukipkip ako at tumitig lang sa bintana niya.

Nang mag sawa ay dumukdok ako sa mesa niya, walang magawa rito.

Bakit niya ba kasi ako dinala pa rito.

"Hey" pagtatawag niya sa'kin.

"Iveonne, are you mad ba?" pagtatanong niya.

Still, hindi ko siya pinansin.

"Hey, talk to me"

"Baby please?" putangi—ahhhh baby daw?

Agad kong inangat ang ulo at tinignan siya nang masama.

"Stop calling me that, Prof" ani ko rito.

"What's wrong with that? it's cute" edi wow.

"Are you mad?"  'di ba halata?

"Hindi po ba obvious?" rude? I know.

You can't blame me, hindi niya 'ko pinag-quiz, sayang yung points.

"You're mad nga" huminga siya nang malalim at pinakalma ang sarili.

"I'm s-sorry" paghihingi niya nang tawad.

Hindi ko siya sinagot at hinintay ang sunod niyang sasabihin.

"Please say something, baby" hindi mo'ko madadala sa pagtawag mo niyan, hmp.

Still tahimik lang ako at nakatingin lang sa kaniya.

"I'm sorry okay? You can't blame me, I'm j-just..." ano?

"You what, Prof?" pagtatanong ko rito.

Mukhang nagdadalawang isip pa siyang sabihin, bumuga muna sa ng hangin bago mag salita.

"Imjealousbabydamnit" ang bilis, hindi ko naintindihan, may lahi ba siyang alien?

"Ano?" pagtatanong ko rito.

"I'm jealous, damn it!" eh? nag seselos siya? bakit naman?

"Huh? bakit naman? kanino ka nag seselos?"

"To your friend" diretsyo niyang saad.

Kay Ems?!

"Mag kaibigan lang kami, ma'am" ani ko rito.

"I know okay? But I can't help it, she's too close" ani niya.

Ah yung kanina? Tumabi lang naman siya sakin eh, adik.

"Bakit ka naman nagseselos dun?" may karapatan ka ba? ay eme!

"I love you, Iveonne" gxgo ano raw?! asdfghjkl.

Saka siya tumingin nang diretsyo sa mata ko at bumaba ito sa labi ko.

Shuta mauulit na naman ba yung kissing scene?

Sandali laaang, hindi pa'ko nakaka-move on sa sinabi niya!

Totoo ba yun o trip niya lang? kasi kung trip-trip niya lang, mababatukan ko siya.

I was about to say something pero agad niyang pinatikom ang bibig ko sa pamanagitan nang paghalik niya sa labi ko.

Shuta dahan-dahan lang naman Prof!

Mahigpit niyang hinawakan ang bewang ko at inupo ako sa mesa niya.

"Hmm" mahinang halinghing ko.

Mas lumalim pa ang halik niya, prof wait lang kasi huhuhu.

Kawawa yung lips koooo.

Bago pa humatong sa 'di dapat ay pinigilan ko na siya.

"Prof wait lang!" hingal na ani ko.

Habang siya ay naghahabol din ng hangin.

Nang kumalma ay agad ko siyang tinanong.

"Prof, y-yung sinabi mo kanina t-totoo ba yun?"

"Yes, do you think I'm joking?" seryosong ani niya.

Eh? Putang—kinikilig akoooo.

Wait langggg asdfghjkl.

"I l-like you, Prof" kinakabahang ani ko.

Bumakas naman ang pagkagulat sa mukha niya dahil sa sinabi ko.

"Y-you're joking right?" kinakabahang ani niya.

Agad akong umiling.

"Love and like isn't the same word, i'll wait until it becomes 'love' " madamdaming saad niya.

Huy kinikilig ako kanina paaaa.

Grabe ka na Prof!














Miss A: May lovelife na si Klent, edi wow.

Why me Attorney?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon