CHAPTER 20

782 37 3
                                    


Klent's POV

Nandito na'ko sa classroom, napa-aga pa yata ako dahil mag-isa ko pa lang dito.

Pero okay na rin yun at least hindi ako late.

Kinuha ko ang tinapay sa bag ko at kinain, hindi kasi ako nag umagahan eh.

Maya-maya pa'y dumating na rin ang iba kong kaklase.

"Huy Papa Klent!" ang ingay shuta.

Guess who? Si Josh yan.

"Yes?" sagot ko rito.

"Bakit ka raw absent? tinatanong sa'min ni Prof Clemontè kahapon" pag ku-kwento niya.

"Ahh, nagkasakit kasi ako" sagot ko.

"Ay, magaling ka na ba?" pagtatanong niya.

Malamang oo, papasok ba'ko kung hindi? Char!

"Yup" maikling saad ko at pinagpatuloy ang pagkain.

Nandito na lahat ng kaklase ko.

Kung tatanungin niyo si Ems, ayon nakadukdok sa mesa niya.

Anong problema ng gagang 'to?

Habang wala pa ang Prof namin ay nilapitan ko siya.

"Ems huy!" sabay kalabit sa kanya.

Kinalabit ko lang siya nang kinalabit, ayaw ako pansinin eh.

"Ems ano ba!" pag tatawag ko rito.

Niyugyog ko ang balikat niya.

"Ems isa—hala bakit ka umiiyak?!" gulat na tanong ko.

"Ems bakit? May problema ka ba? Pwede ka naman magsabi eh, magkaibigan tayo 'diba?" ani ko rito.

Ngayon ko nalang siya ulit nakitang umiyak, palagi kasi siyang masaya eh.

Hindi lang ako sanay na ganito siya, nasanay ko sa Ems na madaldal, maharot, maingay.

Parang ibang Ems ang nakikita ko ngayon, she looks helpless.

Umiling lang siya at sumandal sa balikat ko habang umiiyak pa rin.

Sinuklay ko ang buhok niya gamit ang kamay ko na parang pinapatahan siya.

"Guys! Sinong nagpaiyak dito?!" pagtatanong ko sa kaklase ko.


"Hindi kami ah"

"Hindi ako dyan"

"Wala akong kinalaman diyan Pres"

"Hoy sino ba kasing nagpaiyak kay Emily?!"

"Umamin na kayo, pag tayo nalagot"

"Hoy Jako, ikaw ba nagpaiyak kay Emily?!"

"Anong ako?! Nananahimik ako rito oy!" ani naman ng isa.




Sari-saring pahayag nila.

Nagkakagulo na sila, takot lang nila sa'kin.

"Tahan na Ems" pagpapatahan ko.

"Hindi kita pipili—" naputol ang sasabihin ko nang may pumasok.

"What commotion is this all about?!" sigaw na tanong ni Prof.

Agad na natahimik ang classroom.

"Walang sasagot?!" bad mood siya baks.

"Mr. Reyes?!" pagtatawag niya sa kaklase ko.

Hindi nagsalita si Jako dahil na rin siguro sa takot.

Maski ako rin ah, baka nga maihi pa'ko sa takot.

Kung takot sila sakin, takot naman kami sa kanya.

"Ms. Gonzales?!" pagtatawag pa niya.

"Ayaw niyong sumagot?!" bakit ba kasi bad mood siya? huhu.

Kung sino ka man na naging dahilan nang pagka-bad mood niya, sana masarap ulam niyo.

"Ms. Olsène!" shuta napatalon pa'ko sa gulat.

Agad akong tumayo kahit nanginginig na'ko sa takot.

"A-ahh Prof m-may hinahanap l-lang po kaming g-gamit" kanda utal-utal kong saad.

"Are you sure?" mariin na tanong niya.

"Y-yes Prof" mabilis kong ani.


"Go back to your proper seat" ani niya at mariin akong tinignan.

Oh ano na naman bang ginawa ko? Katakot siya shuta.

Agad akong nagtungo sa upuan ko at saglit na nilingon si Ems.

Why me Attorney?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon