CHAPTER 1

2K 65 2
                                    


Klent's POV

Panibagong umaga, panibagong problema, eme lang.

Mag-isa ko lang nakatira rito sa maliit na apartment, lumipat ako ng School dahil nabu-bully ako roon, mag-isa ko lang rito dahil nasa province ang family ko, si Lola nalang ang natitira kong pamilya dahil wala na ang parents ko.

Ang sabi kasi ni Lola ay namatay sila sa Car Accident bata pa lang ako.

Back to the story, Sunday ngayon kaya mag go-grocery ako dahil paubos na rin ang mga stock sa apartment.

Paalis na'ko nang damating si Emily, kung maka-sulpot akala mo walang gagawin ah.

"Why?" agad na tanong ko rito.

"Wow ah, gandang bungad naman nyan frenny" sarkastikong ani niya.

Inirapan ko na lamang siya at nauna nang maglakad dahil alam ko namang susunod at susunod pa rin siya.

"Sama ako friend ha, ubos na kasi yung mga stocks sa bahay eh" sabay kapit sa braso ko.



Nandito na kami sa Grocery Store at namimili na kami ng mga bibilhin namin dahil alangan namang mangisda kami rito 'diba? char!

Nandito ako sa bilihan ng Frozen Goods, habang namimili ay may bumangga sa likod ko.

Ang sakit! pot-

Nang lingunin ko kung sino ang ponciong pilatong bumangga sa'kin ay natigilan ako.

Girl ikaw ba naman maka-harap ng isang Dyosa?!

Grabe ang ganda naman niya, ang sarap iuwi at ikulong mag hapon sa kwarto mo, eme lang.

Yung mata niya ang ganda, yung ilong niya ang tangos tapos yung labi niya ang sara—

"Quit staring woman" Gosh ang lamig nang boses mga 'te!

Mas malamig pa yata sa South Pole eh.

"Uh-m I-i'm s-sorry miss" gosh bakit ka nabubulol self?!

Tinitigan niya muna ako bago siya umalis




Ngayon ko lang din napagtanto na...

Bakit ako yung nag sorry eh hindi ko naman kasalanan?!

Dapat nga siya pa yung mag sorry dahil siya ang naka-bunggo sa'kin!

Naku! Naku! Naku! Wag lang talaga mag tagpo ang landas namin ulit, siguradong tatamaan siya sa'kin kahit mukha siyang Dyosa.

Walang Dyosa-dyosa rito pero kung hahalikan niya 'ko why no— eme lang.

Habang nag lalagay ko ng Goods sa cart ay may naapakan akong bagay.

Oh baka isipin niyo na poopsie yun ah, hindi huy, wala namang aso rito eh, depende nalang kung po-poopsie ka rito, kimi.

Pinulot ko ang natapakan ko saka tinignan.

Wallet? Wallet ang naapakan ko at laking gulat ko nang may maliit itong picture sa gilid, at yung picture na yun ay yung babaeng naka-bunggo sa'kin kanina!

Paano ko naman ito ibabalik? Should I check kung may I'd sa loob? pero kasi baka mag mukha akong magna-nakaw dito eh.

Bahala na, tinignan ko ang laman,  card at cash lang ang laman, wala manlang I'd's.

Habang busy sa pag-iisip kung paano ito mababalik ay siya namang pag sulpot ni Emily.

"Tapos ka na bang mamili n—WTH?! Kaninong wallet yan?! nag nakaw k—"

Agad kong tinakpan ang bibig niya at mabilis na hinila sa counter para mag bayad, baka iniisip niyong yung wallet na may lamang pera na napulot ko ang ipinang-bayad ay mali kayo, may konsensya pa naman ako no saka hindi ako magna-nakaw.

Nang makapag-bayad ay dinala ko siya sa parking lot at doon ko sinabi lahat, as in lahat-lahat.

Why me Attorney?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon