Klent's POVNandito kami sa office niya, wala na naman akong gagawin dito eh.
Ang boring kaya.
"Let's eat" maya-mayang saad niya.
Binuksan na niya ang isang food container.
Wow! Spaghetti my baby!
Agad na nagningning ang mata ko at kumalam ang tiyan ko.
Shuta narining niya yata, nakakahiya!
Natawa siya at hinalo muna ang spaghetti bago ito ibigay sa'kin.
Ay gentlewoman pala si Prof.
"What are you waiting for Iveonne? Eat." ay wow parang aso lang ganon?
Hindi na'ko nagpatumpik-tumpik pa, boom karakaraka—eme.
"Thank you po!" masayang ani ko at nagsimula nang kumain.
Nakamasid lang siya sa'kin habang kumakain ako kaya tinanong ko siya.
"Prof hindi ka ba kakain?" ani ko rito.
"Oh right, sorry." binuksan na niya ang food container niya, akala ko spaghetti rin, carbonara pala ang kanya.
Pinapanood ko siya nang hindi niya napapansin.
Sorry naman. I can't help it, ang ganda kasi.
Ito na naman si heart, bumibilis na naman siya, ay kumakarera ka sis?
Sumubo na siya ng carbonara, napaka hot naman ng babaeng 'to, pati ba naman sa pagkain?
May naiwang pasta sa gilid ng labi niya, mukhang naramdaman naman niya ito kaya't ginamit niya ang dila para maabot ang pasta.
Gag—ang gandaaaa.
Huhu nasaan ang hustisya? pag siya ang hot pero pag ako, nagmumukhang manyak.
Eme lang, poganda ko kaya.
Yabang sis.
Kumuha siya ng tissue at akmang ipapahid sa gilid ng labi niya nang makita ang itsura ko.
Sorry, makalat ako kumain eh, lalo na pag may sauce.
Kumuha ulit siya ng tissue at pinunas ito sa bibig ko.
"Thank you po" hiyang ani ko at pinagpatuloy ang pagkain.
Shuta. Wala ba siyang panulak diyan? Mabubulunan na'ko!
Nagsimula na'kong umubo-ubo.
"Gosh slow down kasi!" pangaral niya sa'kin.
Tubig ang kailangan ko hindi ang pangangaral mo Prof!
Agad siyang tumayo at nagpunta sa mini fridge niya.
Kumuha siya rito ng water at isang coke. Wow coke!
Binuksan niya ang coke at binigay sa'kin.
Agad ko naman itong ininom, kulang nalang pati can ay lunukin ko eh.
Nang umayos na ay pinagpatuloy ko ulit ang pagkain.
You can't blame me, spaghetti na 'to oh.
Tinignan ko siya, busy lang siyang tumitig sa'kin.
Masarap ba Prof? Ay—bastos!
Tumikhim siya at ininom ang tubig niya.
Wala na yatang laman.
Kinuha niya ang coke ko at ininom—hala!
Nag indirect kiss kami!
Sus akala mo hindi naglap-lapa—stop it self.
Gulat lang akong nakatingin sa kanya habang umiinom pa rin siya nang bumukas ang pinto.
"Ate?"
"What the fvck ate?!"