CHAPTER 2

1.4K 59 6
                                    


Klent's POV

Last subject na namin 'to at tadaaaa uwian naaaa

Ilang minuto nalang at matatapos na ang klase, makaka-uwi na rin sa wakas.


Lumipas ang ilang minuto at uwian na, nag aayos na'ko nang mga gamit ko para maka-uwi na.

Palabas na'ko ng room nang sumulpot ang nag iisang kupal sa buhay ko, eme lang, baka isipin niyo na ang harsh ko kay Emily ah, ganyan lang talaga kami mag mahalan.

Agad siyang kumapit sa braso ko at tumatalon-talon pa habang naglalakad, napagka-kamala  tuloy kaming mag jowa rito eh.

"Daan tayo kay Kuya Bepot, Kenny" nagpa-pacute niyang sabi.

"I already told you, stop calling me Kenny" nakasimangot na saad ko at iniwan siya.

"Susss nagta-tampo ka na niyan?! eme lang sis!" saka ako hinabol.

Ayan tuloy hinihingal na.

"Girl sige na, samahan mo na'ko kay Kuya Bepot" naka-ngusong saad niya.

"Ayoko" asar pa rin na sabi ko.

"Eh sayang ili-libre pa naman sana kita" kunyaring lungkot niyang sabi at nauna na sa paglakad.

Bigla namang pumalakpak ang tenga ko sa narinig at hinabol siya.

"Huy joke lang eh, tara na, basta libre mo ha" masayang saad ko.

"Basta talaga libre ang bilis" naka-irap niyang sabi.

"Syempre libre na yan eh" naka-ngiting ani ko.


Nandito na kami sa labas at malapit na kami sa pwesto ni Kuya Bepot ngunit nagtaka kami kung bakit nagka-kagulo doon at ang daming tao.

Hindi naman ganyan yun ah? Mabili ang tinda ni Kuya Bepot pero hindi naman umabot sa puntong halos nasa kalsada na ang estudyante dahil sa dami ng tao.

"Bakit ang daming tao?" nagtatakang saad ko.

"I dunno" nagtatakang saad rin naman niya.

"Tignan natin bilis!" nagmamadaling sabi niya.

Tumakbo kami para mas madali kaming makarating dito, sumiksik pa kami sa kumpol ng mga estudyante.

Grabeng makatulak naman yun, akala mo end of the world na eh.

Paano ba naman nasiko na nga, natulak pa, ang sakit kaya sa boobsie–ay wala pala ako non.

Nang makarating na kami sa gitna ay napansin namin na may babaeng pilit na kinukunan ng mga estudyante ng picture, halatang na aasiwa na siya.

Nang humarap siya ay nanlaki ang mata ko nang mapag-tantong siya yung girl na naka-bunggo sa'kin sa Grocery Store.

Mukha namang hindi na siya nagulat nang makita ako.

Magtatanong pa sana si Ems pero agad akong hinila nung babaeng Dyosa na ikinagulat ko nang sobra, sino ba namang hindi 'diba? kahapon lang kami nag kita, hindi ko pa nga alam kung anong name niya tapos bigla ka nalang hihilain sa kung saan.

"Teka saan mo dadalhin yang bestfriend ko?!" rinig kong sigaw ni Ems bago kami maka-layo roon.

"M-miss t-teka lang s-saan mo ba 'ko d-dalhin?" natatakot at kinakabahang tanong ko.

Tinignan niya lang ako at hindi sinagot hanggang sa mapunta kami sa isang sasakyan na parang familiar sa'kin.

"Hop in" malamig na wika niya.

"Miss nahihibang ka na ba? bakit ako sasama sayo eh hindi naman kita kilala?" nagtatakang tanong ko.

"I assure you that you are safe with me so please get in the car" malamig pa ring saad niya.

Hindi ko alam pero kusang sumunod ang katawan ko dahil sa sinabi niya, I feel like I'm safe naman.

Pumasok na'ko sa loob at sumunod naman siya, walang nagsasalita ni isa sa amin.

Habang umaandar ang sasakyan ay siya namang pag-alala ko kung bakit familiar ang sasakyan niya.




Alam ko na! Ito yung sasakyan na traffic dahil sa malakas na ulan at yung dream car ni Emiliy!

Why me Attorney?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon