Klent's POV"K pahatid dun oh, table 6"
"Pssst! sa table 2"
"Pogi pahatid sa table 8 oh"
"Klent sa 4 'to, thanks!"
Ayan na silaaaa.
Huhu kawawa na naman ang poging si ako.
Napaka yabang. Babatukan.
Agad akong tumalima at hinatid ang mga order nila.
Hingal akong naupo sa bakanteng upuan dahil sa pagod.
Magpahinga raw muna ako, buti naman naisip nila.
Eme lang. May pumalit kasi muna sa'kin.
"Klent!" narinig kong pagtawag sa'kin sa di-kalayuang upuan.
Nang lingunin ko ay si Jade pala.
Yung naiwan ko dahil sa paghila ni Prof slash Manager namin sa coffee shop.
"I'm sorry. Hindi kita nahatid non" paumanhin niya.
Nako! Kung alam mo lang kung bakit ako biglang nawala dun.
"Ay hala! Ako nga dapat yung mag sorry. Sorry kung bigla akong nawala" ani ko.
"Bakit ka nga ba nawala? Matagal ba 'ko? So—"
agad kong pinutol ang sasabihin niya."Hindi ah! N-nakita ko kasi yung k-kaibigan ko. Sorry kung hindi ko nakapag-paalam" hinging paumanhin ko rito.
"Oh. I see, It's fine" saad niya.
"Hmm anyways, pwede ka ba mamaya?"
"Pwede saan?" tanong ko rito.
"Uh dinner sana tayo, sagot ko" ani niya.
Eh? May pasok bukas at late na rin ako makaka-uwi, baka late na'ko gumising bukas kung pupunta ako, sa susunod nalang siguro?
"Sure! Anong oras ba?" pagtatanong ko.
'Kala niyo hindi ako sasama 'no?
Akala niyo lang yun, nyaknyaknyak.
"Great! Sabay nalang pag out mo then ihahatid na rin kita pag tapos" okay nice.
"Okieee, balik na'ko ah" ani ko rito.
Ngumiti lang siya at umalis na.
Bumalik ako sa ginagawa, ang sakit ng katawan ko shuta.
Masasanay ka rin Klent.
Ilang oras nalang mag o-out na rin naman ako.
Pinag-patuloy ko lang ang bigay ng mga order, nakaka-enjoy at the same time nakakapagod.
Hindi ko namalayan ang oras at out ko na pala.
"Klent, let's go" ani ni Jade nang makalabas sa office niya.
Nandito na kami sa loob ng sasakyan niya, kapwa lang kaming tahimik at pinakikiramdaman ang isa't-isa.
"So how's school?" pagbabasag niya sa katahimikan.
"Ayos lang naman, nakakapagod pero keri lang" ani ko.
"That's good, matalino ka naman, kaya mo yan" naka-ngising ani niya.
"Baliw!" tumatawang ani ko.
"Uh do you mind if I ask something?" pagtatanong niya sa'kin.
Umiling lang ako at tinignan siya na parang nagpapahiwatig na ituloy ang tanong niya.
"Are y-you still s-single?" namumulang ani niya.
Eh?
"Yep, why?" takang saad ko.
"Great!" adik ba 'to? anong great siya d'yan?!
"Okay sabi mo eh" ani ko.
"We're here!" maya-mayang saad niya.
Wow! Ang ganda naman dito.
Ang aliwalas ng paligid, ang lamig sa mata.
"Do you like it?" pagtatanong niya sa'kin.
"No. I love it!" masayang ani ko.
Natawa siya nang mahina at nauna nang lumabas ng sasakyan.
Akala ko'y iiwan na niya 'ko pero umikot siya at pinagbuksan ako ng pinto.
Sweet.
"Let's gooo" saad niya at inaya ako sa loob.
"Uhm anonh gusto mong kainin?" pagtatanong niya nang makahanap kami nang mauupuan.
"Kung ano sayo, ganon nalang din" nahihiyang ani ko rito.
"Alright" sabi niya at tumawag na ng waiter.
Habang busy siya sa pag order ay nilibot ko ang tingin at huminto ito sa isang babaeng laging ginugulo ang sistema ko.
Pati ba naman dito?!
Agad kong iniharang ang bag sa mukha para hindi masyadong halata.
Sana hindi niya 'ko makitaaaa.
"Hey, what's wrong?" pagtatanong ng kasama ko.
"A-ahh? w-wala, don't mind me" hiya at kabadong ani ko.
Ngumiti lang siya na parang sumasang-ayon.
Hindi nagtagal ay dumating na rin ang pagkain.
Kumain na rin kami.