Klent's POV*Knock knock knock!*
Nagising ako sa malakas na katok sa pinto, ngayon na nga lang makakapagpahinga may istorbo pa.
Ahhhh katamad bumangon.
Grrr ang lamig, shuta.
"Wait lang!" malakas na ani ko sa sinumang taong kumakatok.
Masarap sana ulam niyo, 'di makahintay 'te?
Agad kong sinuot ang tsinelas at nagtungo sa pinto.
"Hi?" bungad ng taong kumakatok kanina.
"Prof? Anong ginagawa mo rito?" ani ko.
Inaantok pa'ko.
"Prof? Really, Olsène?" nabusangot na tanong niya.
"Sorry, pasok ka muna" niluwagan ko ang pagkakabukas nang pinto at pinapasok siya.
"Flowers" namumulang saad niya at inabot sa'kin ang bulaklak na ngayon ko lang napansin.
"Thank y-you..." hala nakakahiya, nakapantulog pa'ko.
Baka ma-turn off siya? ay eme.
"Anong ginagawa mo rito?" pagtatanong ko ulit.
"Labas tayo, please? let's date" ani niya.
Date raw?! may kami na ba?
Nag confess lang naman kami sa isa't isa pero naging official ba? ay ewan ko, ang gulo.
Parang ikaw.
"D-date...?" takang ani ko.
"Yes, we love each other, right?" eh?
"I m-mean I love you and you l-like me" hindi makatinging ani niya.
"Wait, uhm I'm here to c-court you s-sana" namumulang ani niya.
Nag b-blush ang masungit na Prof namin?! at ang malala sa harap ko pa? angas ko naman.
"Manliligaw ka?" gulat na tanong ko rito.
Mabilis naman siyang tumango-tango.
"Yes" diretsyang sabi niya.
"Hey woman! you need to change na, we have a lot of place to visit pa kasi" conyo naman nito.
"Okay, wait mo'ko" hindi siya nagsalita at naupo nalang sa couch.
Pumasok na'ko sa banyo at nagsimula na'kong maligo nang mapagtanto kong...
HINDI KO SIYA NABIGYAN NANG MAIINOM O MAKAKAIN MANLANG!
Shuxxx.
Agad akong nagtapis ng tuwalya at lumabas para tanungin siya.
"P-prof! May gusto po b-ba kayong inumin or something na kakainin?" tanong ko.
Gulat lang siyang nakatitig sa'kin hanggang sa bumaba ang tingin niya sa katawan ko.
Nakita ko ang paglunok at pagtulo nang pawis sa noo niya.
Hindi naman mainit ah? Naka-open nga yung mga bintana eh.
"P-prof?" paguulit kong tawag.
Tumikhim muna siya at pumikit nang mariin bago ako sagutin.