Klent's POVKumakain kami ngayon dito sa cottage, pareho lang kaming tahimik at parang walang balak mag ingay.
Nang hindi ko matiis ay nag tanong ako rito.
"Uhm ano palang name mo?" nahihiya kong tanong dahil kanina pa kami magkasama pero ngayon ko lang naalalang mag tanong.
"Ariadne is my name" saad niya.
Maganda na nga nang mukha pati ba naman pangalan? Nasan ang hustisya 'diba?
"I'm Klent" nakangiting saad ko.
"I know honey" Eh? paano naman niya nalaman? saka honey daw? payag ka non?
"How?" tanong ko rito.
Hindi niya ito sinagot at nagkibit-balikat na lamang.
Napaka-misteryoso naman ng isang 'to.
Gusto ko nang umuwi baka nag-aalala narin si Ems.
Pero hindi ko alam kung paano, ni hindi ko nga alam kung nasaan kami eh, basta ang sabi niya nasa resort kami.
"What are you thinking?" tanong niya nang mapansin ang pananahimik ko.
"Uh gusto ko na kasing umuwi pero hindi ko alam kung paano" nahihiyang ani ko.
"Why? Makikipagkita ka ba sa mga babae mo?" Babae? Anong sinasabi nito? Naka-drugs nga yata siya mga 'te.
"Babae? Kailan naman ako nagkaroon ng babae?" takang tanong ko.
"Oh you thought na hindi ko alam na halos araw-araw kang nilalapitan ng mga babae? Diane she is your classmate right?" saad niya.
Shi— paano niya nalaman yun? Spy ba siya? Eme
"P-paano mo n-nalaman yun?" gulat at nagtatakang tanong ko.
"I have my ways" ani niya.
Tumahimik nalang ako pinagpatuloy nalang ang pagkain kahit na naiilang ako sa paraan nang pagtitig niya.
Nang matapos kumain ay nagpunta ako malapit sa dagat at naupo roon, hindi naman masyadong mainit kaya keri lang.
Habang naka-upo ay bigla kong naalala sila mama at papa, kamusta na kaya sila? miss na rin ba nila ako?
Maaga akong naulila kaya't masakit sa'kin na makakita nang mga taong may masaya at buong pamilya tho' meron pa naman akong lola pero kasi iba pa rin yung kalinga ng isang ina at ama na nandyan palagi para sayo.
Pero kahit na maaga akong naulila ay nagpa-pasalamat pa rin ako dahil kahit papaano ay nandyan si lola na mahal na mahal ako.
Nami-miss ko na rin si lola, kumakain kaya siya sa tamang oras? pinapagod pa rin kaya niya ang sarili niya dahil sa pagtanggap ng mga labahin?
Matagal na akong hindi nakaka-uwi kay lola dahil na rin sa kakulangan sa pera, medyo malayo ang lugar namin dito sa City kaya't talagang gagastos ka sa pag-uwi o pagbalik man.
Nakakapag-padala naman ako kay lola ng pera at kasama naman niya ang pinsan ko kaya't sigurado akong maayos siya dun.
Minsan lang kami magkausap dahil wala akong phone, nakakapag-usap lang kami pag nahihiram ko ang phone ni Ems.
Ayos lang naman sa'kin yun dahil makakabili rin ako soon, kailangan ko lang ng tiyaga, nag t-trabaho ako sa isang coffee shop na malapit sa School tuwing tuesday hanggang friday, 5-9 pm ang duty ko roon.
Habang nagiisip ay hindi ko na namalayang umiiyak na pala 'ko, agad kong pinahid ang luhang nagsi-silaglagan sa mata ko.
"Why are you crying?" sulpot ni Ariadne at naupo sa tabi ko.
"Ah w-wala, don't mind me" gulat at nahihiyang saad ko.
"I have something to tell" ani niya.
Ano naman kaya yun? Uuwi na ba kami?
"A-no naman yun?"
"I-I uhm I'm s-sorry"