Klent's POVNandito kami ngayon sa pwesto ni Kuya Bepot, bumili lang ako ng kwek-kwek habang si Ems ay tamang tusok lang sa kikiam, hindi alam ni Kuya Bepot na malulugi siya dahil sa kupal na'to, paano ba naman eh, tusok lang nang tusok tapos mamaya bayad niyan kinse pesos pero ang kinain pang singkwenta na, kupal 'diba?
"Huy kanina ko pa napapansin yung sasakyan na yun oh" turo niya sa isang sasakyan na naka-park sa 'di kalayuan.
"Praning ka lang, baka may pinuntahan lang kaya kanina pa dyan" saad ko.
"Sabagay" kibit balikat niyang ani.
"Huy naka-ilan ka na?" tanong niya sa'kin.
"Anong naka-ilan eh bente pesos na kwek-kwek lang naman yung binili ko" sagot ko rito.
"Ang dami ko nang nakain" saad niya
Aba't parang kasalanan ko pang marami siyang kinain? Balak niya na nga yatang ubusin ang paninda ni Kuya eh.
Nang matapos kaming kumain ay nagbayad na kami at nag-abang ng masasakyan.
Habang busy ako sa pagtingin ng sasakyan ay hindi naman mapakali itong kasama ko.
"Na p-poopsie na'ko girl" kabadong saad niya.
"Ha?! Kain ka kasi nang kain, mag CR ka na muna, hihintayin nalang kita rito" saad ko.
Hindi na siya nagsalita at tumakbo na papasok ng Univ.
Habang nag-aabang ng masasakyan ay may biglang humintong sasakyan sa harap ko na agad kong ipinagtaka, hindi naman bumaba ang sakay nito ngunit maya-maya lang ay umalis na rin ito.
Ayun yung sasakyan na naka-park sa gilid kanina 'diba? Weird.
Naupo ako sa Waiting Shed na malapit pa rin sa school, ang tagal naman ni Ems, nilabas niya ba pati laman-loob niya? napaka-tagal.
Maya-maya pa'y namataan ko siyang papalapit na sa pwesto ko, mabuti naman at natapos na rin, akala ko next year pa kami rito eh.
"Sorry besh natagalan, matigas eh" ani niya
"Yuck! Kadiri ka talaga Ems, tara na lakarin na natin" saad ko.
"What?! Ang layo-layo kaya, wala bang masakyan?" tanong niya.
"Kung may sasakyan edi hindi sana tayo maglalakad 'diba? Saka malapit lang yan, lakarin na natin" ani ko.
Sumimangot nalang siya at hindi na muling nagsalita.
Nakarating na kami at nandito ako ngayon sa Apartment nakahiga, gusto kong matulog pero hindi naman ako makatulog, hindi ako naka-drugs ah baka mamaya isipin niyo adik ako, mukha lang adik pero hindi—char! Ang ganda ko naman para mag mukhang adik no.
Bukas na namin mam-meet yung bagong prof namin, hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan pero sana mabait siya.
Sana hindi terror huhu
Kamusta na kaya si lola? Miss ko na siya.
Bukas na na rin pala ako mag s-start mag part time job, nag-apply ako sa isang cafe na medyo malapit lang sa School kaya keri lang lakarin.
Nagugutom ako baks, nag punta ako sa kusina at kumuha ng snacks at tubig na rin saka dumiretso sa sala para manood ng TV, magpapa-antok nalang ako.
Nanood lang ako nang nanood hanggang sa makaramdam ako ng pagka-antok.
Dito na'ko sa sala matutulog, tinatamad na'ko maglakad shuta.
Hinayaan ko lang na lamunin ako ng dilim at makatulog.