Klent's POV"P-prof?" paguulit ko dahil baka mali lang ang pagkakarinig ko.
"Yes?" agad na saad niya.
"May n-next subject pa p-po ako" nahihiyang ani ko, syempre may hiya pa rin naman ako no.
"Your class is already suspended" malamig na ani niya.
Ay ganon? Bakit ba palaging nagsu-suspend? Kaiyak.
"A-ahh s-sige po, thank y-you po" agad na sabi ko.
Ano namang gagawin ko rito? Nakakahiya naman kung nakaupo lang ako rito 'diba?
"May walis tambo po kayo?" maya-mayang tanong ko.
"Walis—what?" takang tanong niya.
"Walis po, yung panlinis ng sahig"
"I-I'll just buy that thing later" naka-iwas tinging ani niya.
Tumango na lang ako at hindi na muling nagsalita.
Nang makitang busy siya sa kung ano mang ginagawa niya ay hindi ko maiwasang titigan siya.
Napaka perpekto ng mukha niya, kahit titigan mo 'to magdamag ay hinding-hindi ka magsasawa.
May asawa na kaya siya? Or Boyfriend kaya? Sayang naman kung mero—
"Quit staring"
Shuta nahuli pa.
"Are you bored?" tanong niya.
Ay hindi ba halata prof?
"Ah k-konti p-po" hiyang ani ko.
"You can check my books there, you may read them" ani niya sabay turo sa isang bookshelf na malapit sa isang pinto.
Agad akong nagtungo roon at tinignan ang mga libro, nang makakita ay bumalik ako sa upuan na nasa harap ni Prof.
"Prof nagbabasa ka rin ng novel?" tanong ko.
"N—I mean yes" gulo niya kausap ah.
Gusto ko sanang tanungin kung ano ang fav niyang novel pero baka isipin niya kasing ang chismosa ko kaya wag nalang.
Nagsimula na'kong magbasa-basa.
Nang magsawa ay ibinaba ko ang libro sa table niya at humarap kay Prof ngunit ganon nalang ang gulat ko nang makitang titig na titig siya sa'kin.
Agad naman akong nailang dito, may dumi ba 'ko sa mukha?
"P-prof? May dumi po ba'ko sa m-mukha?" agad na tanong ko.
"U-uh no, sorry" hinging paumanhin niya at agad na binalik ang tingin sa ginagawa niya.
"Prof pwede na po ba akong lumabas?" tanong ko rito.
"Don't call me prof when it's just the two of us, understand?" malamig na saad niya.
Huh? Bakit naman?
"Pero ang sabi niyo po—"
"Don't po me, I'm not that old, kid"
Anong kid ka dyan? Hmp.
"Pero kayo na po ang nagsabi na we are not allowed to call you by your na—"
"I know" agad na putol niya sa sasabihin ko.
"Because you are the only exception Olsène"
WHAT?! KSKSKSKSKSJSJ