CHAPTER 15

878 33 8
                                    


Klent's POV

Ngayon ang umpisa ng part time job ko sa coffee shop.

Nag aayos ako ngayon dito sa sala dahil mamayang 5 pa naman mag s-start.

5 to 9 pm ang oras, mapapasabak na naman tayo sa puyatan mga bes.

4:25 pa lang kaya may oras pa'ko para matulog hehe.

Nang matapos akong makapag-ayos ay dumiretso na'ko sa kwarto at nahiga.

Hinayaan ko lang na lamunin ako nang antok.

Sakit ng katawan ko huhu.



Nagising ako sa ingay ng alarm clock, agad ko itong pinatay at nag punta na sa banyo.

Ginawa ko na ang damit kong gawin.

Nang matapos maligo ay dumiretso na'ko sa kusina at kumain na kahit naka towel pa.

Agad kong hinugasan ang pinagkainan ko at bumalik sa banyo para mag toothbrush.

Pagkatapos kong mag toothbrush ay pumasok na'ko sa kwarto at nag bihis.



Dumaan muna ako sa 7-11 para bumili ng tubig, lalakarin ko lang kasi, medyo malayo pero keri naman lakarin lang.

Agad akong nagbayad nang makita ko na ang pakay ko at umalis na.

4:58 ako nakarating dito sa Coffee Shop buti nalang at hindi ako late.

Agad akong nakita nang manager at inassist sa mga gagawin ko.

Inabutan niya rin ako ng damit na siyang susuotin ko.

Nagbihis agad ako at lumabas na para kumuha nang orders.

Batak na batak si ate mo oh, laban lang Klent, kaya pa yan, late game—char!

Pabalik-balik ako sa pagkuha nang mga order, nakakapagod pero nakaka-enjoy din at the same time.

Binigyan kami nang breaktime kaya nandito ako ngayon sa Comfort Room, nag aayos ako ng sarili.

Pogi pa rin naman—luh yabang, lolz.

Nang ma-satisfied sa itsura ay bumalik na'ko dahil patapos na rin ang breaktime.

"K sa table 6"

"K ito oh, sa table 3"

"Klent dun sa table 5, thank you!"

"Kens pabigay 'to sa table 2 oh, Salamat!"

Shuta sunod-sunod talaga? Huhu.

Dahan-dahan lang naman, paawat kayo mga 'te.

Agad akong tumalima at ibinigay ang mga order sa kaniya-kaniyang table.

Randam ko na ang pagod pero kaya pa yan! Ipilit natin.

"Pogi, last na'to, pabigay dun sa table 7 hehe, love yah!" saad ni Ella na ka-trabaho ko rito.

Kinuha ko na ang order at agad na inilapag ito sa table.

Aalis na sana ako nang may humila sa kamay ko.

"Klent?" tanong nang humila sa'kin.

Nilingon ko naman ito at nakita ko si Ariadne, nang dumako ang tingin ko sa katabi nito ay ganoon na lamang ang kaba ko nang makita si Prof Clemontè.

Ayos ah? Ayoko siyang makita pero shutaaaa, ang ganda mga bes.

Pero...magkakilala ba sila? Bakit sila magkasama? Ay chismosa yarn?

"Uh hello?" sabay tingin ko pabalik kay Ariadne.

"You're working here?" ay hindi ba obvious?

"Yep" agad na sagot ko.

Ramdam ko ang tingin na pinupukol ng katabi niya kaya mas lalo akong kinabahan sa 'di malamang dahilan.

"Ah una na'ko ah? marami pa kasing order eh" ani ko at umalis na.

Alam kong medyo bastos ako sa part na yun pero hindi ko kasi maiwasan eh, grabe naman kasi kung makatingin yung isa.

"K pinapatawag ka ni Boss" pagtatawag sa'kin ni Ella.

Bakit kaya? Hala matatanggal na ba 'ko? May nagawa ba'kong mali? Wala naman naging problema 'diba? Nako wag sana akong alisin huhu.

Grabe mag overthink, napaka oa, Kalma self.

Nagpunta ako sa taas kung nasaan ang office ni Boss.

Kumatok muna ako nang tatlong beses nang bumukas ang pinto.

Wow ang fresh naman ng boss na'to kahit gabi na.

"Hello" ngiting bati niya.

"Hiii" bati ko pabalik.

Well kung nagtataka kayo kung bakit ganito kami maki-tungo sa isa't-isa ay dahil pinsan siya ni Ems kaya magkakilala na kami, kaya rin natanggap ako agad hehe.

"Pinapatawag mo raw ako?" tanong ko nang paupuin niya 'ko sa upuan na nasa harap ng table niya.

"Yes" agad na sagot niya.

"Why? May problema ba?" agad na tanong ko rito.

"No no, I just want to eat...with you" Hala may trabaho pa'ko eh, siya naman boss kaya okay lang siguro no?

"I made that" ani niya sabay abot sa isang tupperware na may lamang...Spaghetti? My favourite!

"Talaga?! Thank you!" masayang sabi ko at agad na nilantakan ang niluto niya.

"OMG slow down! Hindi kita aagawan okay?" natatawang saad niya saka kumain na rin.

"Malapit nang matapos ang shift mo, I'll take you home" saad niya.

"Naku hindi na, nakakahiya naman, malapit lang naman eh, keri lang lakarin"

"No, it's fine okay? I'll insist, just wait me at the  parking lot later" hindi na ako tumutol at tumango nalang.



Nandito na'ko sa parking lot, hinihintay si Ma'am Jade.

May kukunin lang daw siya saglit.

Habang naghihintay ay may biglang sasakyang huminto sa harap ko.

Dahil sa gulat ay napaatras pa'ko.

"Get in" Prof Clemontè? Anong ginagawa niya rito?

"Prof? Anong ginagawa mo rito? May hinihintay po ako eh, mauna na po kayo" ani ko.

"Get in Olsène" malamig na saad niya.

"Pero Pro—"

"I'll take you home Olsène" ani niya.

"Let me take you home, just this one Iveonne please?" Gag—paano niya nalaman second name ko?! Si Ems lang nakakaalam nun ah?!

Saka ano raw? Please? Hala SJSSHSJSKSKSKKSHSJSKSKJS

Why me Attorney?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon