CHAPTER 3

1.2K 48 2
                                    


Klent's POV

Habang nag d-drive siya ay hindi ko maiwasang magtanong dahil sa katahimikang namumuo sa'min.

"Saan tayo pupunta?, Anong kailangan mo sa'kin Miss?" nagugulahang tanong ko.

"Somewhere that I know, You'll love it there"saad niya.

"Hindi mo pa sinasagot yung pangalawa kong tanong"

"I don't know okay? I just found myself waiting for you in that f-king—"

"Okay okay, wag ka nang magmura" agad na putol ko rito.

Hindi na siya sumagot at pinagpatuloy nalang ang pag d-drive.





Nagising ako sa mahi-hinang tapik sa pisngi ko.

"Hey wake up, we're here na" Malambing na sabi niya.

Naks nag i-improve na siya ah.

From cold to malambing ehe, wag kang ganyan please.

"Nasaan tayo?" nakapikit na tanong ko.

"In my resort" simpleng sagot niya.

"RESORT?!" gulat na tanong ko rito.

"Geez woman, don't shout" Malamig niyang sabi at nauna nang naglakad.

Napasimangot naman ako at agad na hinabol siya.

"Sungit mo naman Miss" naka-ngusong saad ko.

"Bakit mo pala 'ko dinala rito? hindi naman tayo magka-kilala pero bakit nandito ako?" nagtatakang tanong ko.

"I dunno" naka-pamulsang sabi niya.

"Huh? Anong hindi mo alam?"

"All I know is I want to be with you" huh?

"Teka lang miss ha? Nag aadik ka ba?" seryosong tanong ko.

"What the f—?! Mukha ba akong adik?!" gulat na tanong niya.

"N-no it's not what I m-mean, uhm kasi hindi naman tayo magkakilala pero dinala mo'ko rito" sagot ko.

"I-I u-uhm" nauutal na sabi niya.

Bakit naman siya nauutal? Hindi kaya... nag d-drugs siya?! Pero mukhang matino naman siya eh.

Hindi ko na lamang ito pinansin at nagpatuloy nalang sa paglalakad hanggang sa makakita ako ng maraming shells sa gilid at dali-dali itong pinuntahan.

"Wow ang dami naman" manghang saad ko.

"You like it?" tanong niya habang tinititigan ako.

Bigla naman akong nailang dahil sa paraan nang pagtitig nito.

"Y-yes" nauutal na ani ko.




Nanatili kaming naka-upo sa gilid hanggang sa may dumating na isang lalaki na sa tingin ko ay isa sa mga nagt-trabaho rito.

"Ma'am naayos na po ang magiging kwarto niyo" magalang na sabi nito.

Nanatili itong nakatayo hanggang sa dumako ang tingin nito sa'kin.

Tinitigan muna ako nito bago binati.

"M-magandang U-umaga po Ma'am" utal na bati nito habang hindi pa rin inaalis ang tingin nito sa'kin.

Agad naman akong nailang at binati nalang ito pabalik.

"Will you please stop staring at her?" malamig na saad nang katabi ko at hinila ako papunta sa likod niya, ang bango naman nito.

"S-sorry po" ani naman ni kuya.

"Dapat lang, you may go now" kung malamig ang tono niya kanina ay mas malamig naman ito ngayon.

Nakakatakot siya sa totoo lang.

Katakot siya shutaaa, help me mga beks

Why me Attorney?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon