Klent's POVNandito ako ngayon sa loob ng sasakyan niya, hindi ko nga rin alam kung bakit ako nandito eh.
Nadala ako sa "please" niya, shuta.
Nahimik lang kami at kapwang pinakiki-ramdaman ang isa't-isa.
Binuksan niya ang radyo ng sasakyan.
Your morning eyes
I could stare like watching stars
I could walk you by and I'll tell without sa thought
You'll be mine would your mind
If I took your hand tonight
Know you're all that I want this life
OMO my fav song!
Sinabayan ko ang kanta, pipikit pa yan.
Nakita ko naman na lumingon siya sa'kin at agad din ibinalik ang tingin sa daan.
Inaantok na'ko baks huhu.
"Let's talk" maya-mayang ani niya.
"About what prof?" tanong ko rito.
"Will you please stop calling me prof when it's just the two of us?" inis na saad niya.
Agad naman akong napanguso sa sinabi niya, inis na naman ang Godra na 'to.
Godra stands for Goddess na Dragon, so cute right? lol parang adik lang yung nag pangalan.
"I just want to say sorry for what I did" hinging paumanhin niya.
"Sorry if I made you cry" dagdag niya.
Tinignan ko lang siya at nginitian nang light.
"Say something, you're scaring me, Kid" ayan na naman siya sa Kid na yan, hindi na'ko bata, shuta.
"Sorry, wala akong maisip na sasabihin eh" agad na sagot ko rito.
"I'm glad that you already stop po-ing me" edi wow.
"Hmm" ang tanging nasabi ko dahil inaantok na talaga ako.
Napansin ko naman ang paghigpit nang hawak niya sa manibela at ang pagbukol nang kung anong bagay na nasa pagitan ng hita niya.
Ano yun?
Tumahimik ulit saglit nang may maalala ako.
"Paano mo pala nalaman yung second name ko?" tanong ko rito at mariin siyang tinignan.
Nakita ko naman na parang nag panic siya sa tinanong ko.
Bakit naman? Nag aadik kaya siya? Eme.
"Narinig ko lang, why? i-is there something wrong?" ani niya.
Sus narinig my ass, chismosa rin pala siya?
"Wala naman"
"We're here" maya-mayang ani niya.
Hays sa wakas nakarating na rin.
Agad kong tinanggal ang seatbelt ng sasakyan.
"Thank you sa paghatid, Ingat!" saad ko at ngumiti nang tipid.
"I will, Iveonne" gosh it's always giving me shivers whenever she calls me by my second name.
Bubuksan ko na sana ang pinto nang hilain niya ang bewang ko at pinaharap sa kaniya saka niya 'ko hinalikan sa...labi.
Ano na naman ba 'to Prof?!
First kiss ko yun, ang pinaka-iniingat-ingatan ko ay nakuha niya lang sa isang iglap!
Hinalikan niya 'to nang isang beses bago ako tinulak palayo sa kanya.
"Your lips taste like straberries, Iveonne" malambing na ani niya.
Tinitigan niya 'ko at hinawi ang buhok ko sa gilid.
"Goodnight, Iveonne" pahabol pa niya nang makababa ako sa sasakyan niya.
Ngunit hindi nakaligtas sa'kin ang pag ngiti niya bago ipaharurot ang sasakyan paalis.
Tulala pa rin akong nakatayo sa harap ng apartment habang nakatanaw sa sasakyan niyang nakaalis na.
Wala sa sariling napahawak ako sa sariling labi at inalala ang ginawa niya kanina.
Ano bang ginagawa mo sa'kin Prof?! You're driving me crazy.
Hanggat maari ay gusto ko siyang iwasan dahil pakiramdam ko ay hindi ko dapat ipursue itong nararamdaman ko.
Una ko pa lang siyang makita ay iba na ang pakiramdam ko.
Biglang bumibilis ang tibok ng puso ko at kinakabahan ako sa hindi malamang dahilan.
Delikado 'to, natatakot ako, magiging kahahantungan nito, lalo't hindi kami pwede.
Professor siya at estudyante niya 'ko, for pete's sake!
Makapag-overthink akala mo, may pag asa eh.
Kalma self.
Pumasok na'ko sa loob dahil mukha na'kong tanga doon sa labas.
Agad akong dumiretsyo sa kwarto at pabagsak na nahiga sa kama.
Nakakapagod ang araw na'to, idagdag mo pa ang pinag-gagawa nung isa dyan.
Hinayaan ko lang ang sarili na lamunin nang dilim.
Bukas na'ko mag papalit ng damit, katamad kaya, lol.