Chapter 10
DOMINIQUE'S POV
"A-ano? M-mahal mo ko?" Hindi ako makapaniwala sa ipinagtapat niya sa'kin ngayon.
"Oo nga Kislap! Kailangan ko pa bang ulit-ulitin? Mahal kita! Mahal na mahal!"
Kyaaah! Bakit ganito? Bakit sobrang bilis ng tibok ng puso ko? Ano ba yan! Takte! Parang nakikipag-karerahan sa sobrang bilis.
Magkaharap lang kami ngayon ni Paa. Hindi ako makagalaw parang pakiramdam ko naging istatwa na ako rito. Hindi pa rin ako makapaniwala sa ipinagtapat niya. Parang kanina lang inis na inis siya sa'kin at halos paliparin na niya ako palabas ng kwarto niya pero bigla na lang niya akong hinila pabalik sa loob ng kwarto niya.
Magkatitigan pa rin kami ngayon at bigla siyang mas lumapit sa'kin at niyakap niya ako.
"S-sorry Kislap kung hindi kita pinapansin. Ikaw kasi! Nakakainis ka! Nakakaselos kayong dalawa ni Kian. Mahal kita Kislap, okay? Kung papayagan mo akong manligaw sa'yo, ayos lang ba?" sabi ni Paa habang magkayakap pa rin kami. Urgh! Takte ka Paa! Anong ginagawa mo? bakit biglaan ka na lang nagtatapat ng ganito sa'kin? Parang ang bilis naman ata. Bakit ganito? Tuloooong.
"Hoy Kislap! Nakikinig ka pa ba?" Tanong niya at kumalas siya sa pagkakayakap. At ngayon nakahawak siya sa mukha ko.
Kyaaaah! Enebe! Kinikilig ako.
"M-mahal mo ko? Pero bakit ang bilis? Bakit biglaan?"
"Kailangan ba kapag nagmamahal ka, kailangan bang mahabang proseso? Kailangan bang mag-hintay pa ako ng ilang buwan o taon para sabihin ko sa'yo ang tunay kong nararamdaman? Hindi ba pwedeng mahal lang kita wala ng explanations pa?"
Totoo ba talaga 'to? Shet! Si Paa ba talaga 'tong kausap ko? Namumula na ata ako. Ang init ng pisngi ko.
"Ang cute mo talaga pag namumula." Pinisil-pisil niya yung dalawa kong pisngi.
"Ewan ko sa'yo." Tinanggal ko yung mga kamay niya sa mukha ko at umupo sa higaan niya.
"Oh ano na sagot mo? Pumapayag ka na ba na ligawan kita?" Tanong niya at pagkatapos binuksan niya yung isang box ng pocky at kumain siya nun.
"Penge nga nyan." Kumuha ako ng pocky sa kanya. Nagtataka kasi ako kung anong lasa nito at kinahihiligan niya.
Hmm...
"Paa ang sarap pala neto ah. Kaya pala paborito mo 'to eh." Iniiba ko lang yung usapan. Hindi ko kasi alam ang isasagot ko!
"Ano? Paborito mo na rin?"
"Psh! Hindi noh. Penge pa nga." Kukuha na sana ako kaso pinigilan niya ako.
"Ang damot mo." Sabi ko at nagulat ako sa susunod na ginawa niya.
"Say 'Aaah'" Itinapat niya yung isang stick ng pocky sa'kin at ngumanga siya na para bang sinasabi niya na kainin ko.
Ginawa ko na lang yung sinabi niya. "Aaah."
"Teka nga lang Kislap, iniiba mo lang yung usapan eh, ano na nga sagot mo?"
Ano na nga ba sagot ko? Aish! Hindi ko alam.
"Uy!"
"Hmp! Seryoso ka ba talaga? Baka niloloko mo lang ako eh." Pakipot effect muna. Mahirap na noh. Baka lokohin lang ako nito. NBSB pa kaya ako. No Boyfriend Since Birth. Si Renz nga ang tagal tagal na nun nanliligaw sa'kin pero hindi ko sinasagot eh.
"Hindi kita niloloko."
"Sige nga patunayan mo."
"Sige ba."
BINABASA MO ANG
Stuck in a Team
JugendliteraturWhat will happen kung ang isang promdi girl ay pumunta sa Manila para maghanap ng trabaho pambayad sa utang nila? Babalik ba siya na wala ng problema o babalik siya na may dala pang dagdag na problema? Oh! And wait... She is working as a maid in a...