Chapter 26

43.3K 465 22
                                    

Chapter 26

DOMINIQUE'S POV

"Haha. Wag ka mag-alala. Yung crush mo yung kikiss sa'yo mamaya."

Hanuuudaw? Baliw na yata 'to eh. Anong pinag-sasabi niya?

Maya-maya nakarating na rin kami sa bahay. Tulog na yata silang lahat kasi wala ng tao sa sala eh. Madilim na rin yung loob ng bahay.

Umakyat na kami ni Paa.

"Uwaaah..." hikab ko na naman. Haaay... Nakakaantok na talaga.

Papasok na sana ako sa kwarto namin ni Manang ng biglang...

WAAAAAAH!!! Kiniss ako ni PAA sa pisngi. Bigla tuloy nawala yung antok ko.

"Sabi ko naman sa'yo diba. Yung crush mo na ang ki-kiss sa'yo. Good night!" Paa.

At pumasok na siya sa kwarto niya.

UTANG NA LOOB! GIRL! I CAN'T EXPLAIN WHAT I FEEL!!!

Pumasok na rin ako sa kwarto namin ni Manang. Kinikilig pa din ako. Letse. Hindi na ako makakatulog nito!

***

"Uwaaaah!!!"

Nakaka-antok pa. Pano ba naman kasi 'di ako nakatulog agad kagabi. Yung antok ko biglang nawala. Si Paa kasi eh. Imbis na antok na ko, ayun tuloy nawala bigla dahil sa kiss niya. Enebeyen. Pero kinikilg ako. Hahaha. Hanggang ngayon. Ay! Ano ba yan! Ang harot! Pfft! Hahaha!.

"Oh iha! Buti gising ka na." sabi ni Manang.

Bakit? Maaga pa naman ah?

"Late na po ba ako?"

"Hindi pa naman. Kaso maaga lang silang pumasok."

"Ha? Sino-sino po?"

"Silang lahat yata eh."

ANO RAW!? SILANG LAHAT?!!! PA'NO NA KO? PA'NO AKO PAPASOK SA SCHOOL?

Wala pa naman akong kasabay kasi wala si Kian, umalis siya. Sabi niya mukhang matatagalan siyang mawawala dahil sa problema ng kompanya nila. Waaah!

Dali-dali na akong naligo at nagbihis dahil sabi ni Manang ma-traffic daw ngayon kung magco-commute ako. Huhuhu.

Lumabas na agad ako ng kwarto at pumunta sa kainan.

Kailangan kong bilisan sa pagkain. Ayoko ma-late. Bawal pa namang ma-late. Ayako mapagalitan ng bongga no? Baka ano pang magawa ko sa prof ko. Este baka kung ano pa ang magawa ng prof. ko sa akin. Hahahhaha!

"Hoy Kislap. Dahan-dahan sa pagkain. Hindi ka pa late." sabi ni Paa.

Paa?

Paa?

Paa!!!

Waaaah! Holy mader of shokoy! May kauri kayo ritoo! Charot!

Waaah! May pag- asa pa ko! Wahahha.

Bigla naman akong napayakap kay Paa dahil sa sobrang tuwa ko.

"Waaaah!!! Paa!!! Kala ko wala na akong kasabay. Salamat at nandito ka pa." sabi ko habang nakayakap pa rin sa braso niya. Magkatabi lang kasi kami ngayon at kumakain din siya.

"Op! Op! Yung uniform ko naman Kislap. Magugusot."

"Ay! Ang arte naman! Parang siya naghirap magplantsa. Che!"

"Hahaha! Nakakatawa ka. Tignan mo nga itsura mo. Yung bibig mo puro kanin. Ang dugyot mo. Tapos yung buhok mo di mo pa sinusuklayan. Hahaha. Mukha kang bruha. Ay! Hindi, bruha ka na pala talaga. Hahahaha!"

Stuck in a TeamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon