Chapter 31
DOMINIQUE'S POV
"Babe D, you know what to do na ha?" sabi ni Ash.
"Yes, Babe!"
"Sige. Maghahanap na ako, ikaw din."
Nandito kami sa isang napakalaking school supplies. Bibili kami ng mga materials para sa booth namin next week. Kinuha ko yung listahan ng mga bibilihin ko. Naghati kami ni Ash, para mabilis kaming matapos.
Kuha lang ako nang kuha ng mga kakailanganin ko, mga iba't ibang kulay yun ng pintura hanggang sa...
Splash!
"Ay! Sorry! Sorry po talaga!" nasabi ko na lang.
Naku! Patay! Natapunan ko ng pintura yung lalaki. Mabuti at konti lang yung natapon sa damit niya. Hawak ko kasi yung paint tapos hindi ko na alam pano nangyari, basta natapon ko sa kanya. Ang masaklap pa, naka-white tshirt si kuyang naka-bonnet, yung lalake na natapunan ko. Nakayuko siya kaya hindi ko makita yung mukha niya.
"Sorry po talaga. Sorry..."
"Ayos lang yu---Dominique?!" biglang sabi niya.
Ano raw? Kilala niya ako?
Napatingin naman ako sa lalakeng nasa harap ko.
"Rapahael?"
Tumango naman siya.
"Haha. Binabawi ko na pala yung sinabi ko. Hindi yun ayos." sabi niya.
"Ha? Diba sabi mo ayos ka lang?"
"Sa isang kondisyon." Ngumiti siya. Ngiting nakakahimatay. Pogi! Mehehe.
"Ha? Ano?"
"Date tayo."
Ano raw?
"Seryoso ka ba?"
"Oo nga."
"Eh, kasama ko si Ash---"
"Uy Rapahael! Long time no see. Kamusta? Anong ginagawa mo rito?" biglang sabi ni Ash. Tapos na pala siya sa mga pinamili niya.
"Hi Ash! Uhm... Bibili sana ko ng mga gamit ko for my project eh. Kaso..." Napatingin si Rapahael sa damit niya. Huhu. Sorry! Kagagawan ko.
"Oh? What happened to your t-shirt?" tanong ni Ash.
"Ah... Eh... Kasalanan ko. Hehe." sabi ko.
"Pfft. Haha! Ikaw talaga Babe D. You should be careful next time. Buti na lang mabait si Rapahael noh?" sabi niya at tumingin kay Raphael.
"No I'm not. May kapalit yun."
"Ay! Binabawi ko na pala. Haha. Ano naman ang kapalit?"
"Date."
"Date?" takang-taka na tanong ni Ash.
"Yes. Akala ko siya lang mag-isa eh. Yayayain ko sana siyang mag-date ngayon, pero dahil nandiyan ka Ash. Sama ka na lang din sa date namin ni Dom. Haha!"
"Sige sige. I'll join."
Pagkatapos naming bayaran yung mga pinamili namin pumunta kami sa isang shop ng mga panglalake. Bumili kasi si Raphael ng t-shirt. Eh kasi diba natapunan ko siya?
Yung mga saleslady nga dun parang kinikilig na ewan habang pumipili si Raphael ng t-shirt. Hahaha. Kung sabagay, hindi ko rin sila masisisi. Gwapo rin naman talaga si Raphael. Hohoho.
Pagkatapos niyang bumili ng shirt, dinala kami ni Raphael sa isang resto.
"Order na kayo girls." sabi niya nung inabot na sa'min nung waitress yung menu.
BINABASA MO ANG
Stuck in a Team
Ficção AdolescenteWhat will happen kung ang isang promdi girl ay pumunta sa Manila para maghanap ng trabaho pambayad sa utang nila? Babalik ba siya na wala ng problema o babalik siya na may dala pang dagdag na problema? Oh! And wait... She is working as a maid in a...