Chapter 18
PRINCE'S POV
Yeah Dude! Basketball game na ngayon! Wohooo! Makikita nanaman nila ang bangis ng EXOTIC LIONS! Haha! Humanda yang makakalaban namin dahil paniguradong uuwi sila ng luhaan.
Yabang ba? Hmm. Ganun talaga eh. Masaya ako masyado ngayon. Haha. Ewan ko ba! Basta! Parang ang sarap lang sa feeling na kinausap ko si Kislap kagabi at kinausap niya rin ako. Sabi ko sa sarili ko lalayuan ko siya pero yung dalawa kasing mokong kagabi eh. Ganito kasi yun...
*FLASHBACK*
Nandito ako ngayon sa rooftop kung saan madalas akong tumambay. Nagpapahangin lang, nakahiga ako rito at nakatingin sa langit. Hindi pa kasi ako makatulog eh.
Maya-maya biglang may na-sense akong dalawang impakto.
Aish! Eto nanaman ang doble tagapayo. Kung may trio tagapayo sa Face to Face meron naman akong doble tagapayo. Tss.
Sino pa ba?
Edi sina Luke at Sean. -__-
Tumabi sa kanan ko si Sean at sa kaliwa ko naman si Luke. Nakihiga rin sila.
"Bakit kayo nandito?"
"Masama ba aming mahal na kaibigan?" natatawang sabi ni Sean. Gago talaga 'to.
"Ewan ko sa'yo. Batukan kita gusto mo?" akmang babatukan ko na siya pero nagsalita agad siya.
"Oh! Oh! Chill lang captain!" naka-shield pa ang mokong. Kaya tumingin na lang ulit ako sa langit.
"Bakit nagmo-moment ka nanaman dito Captain?" tanong naman sa'kin ni Luke.
"Nagmo-moment ka diyan! Nagpapahangin lang. Timang!"
"Ah..."
"Bakit hindi mo na masyadong pinapansin si Rapunzel?" tanong sa'kin ni Sean.
"Tss. Pinapansin ko naman ah."
"Psh! Pinapansin daw!? Eh wagas ka nga maka-iwas sa kanya eh." sabi ni Sean. Kahit kailan talaga 'tong tabang 'to kilalang-kilala ako.
"Oy taba! Anong wagas maka-iwas? hindi noh!"
"Maka-taba ka naman sa'kin. Oy hindi ako mataba noh! May abs ako. Baka gusto mo pang ipakita ko sa'yo nang magkaalaman tayo."
"Lul. AB lang walang S. Isang malaking bilbil lang naman yan eh!" sabi ng nasa kaliwa kong si Luke na tawa ng tawa.
"Kapal mo naman pre! Mataba lang pisngi ko pero katawan ko hindi." pagtatanggol niya sa sarili niya kaya tumawa naman 'tong isa. Hay. Mga baliw kong kaibigan. -___-
Nung matapos na sila sa kakatawa nila nagsalita naman si Luke.
"Alam mo pre. Wag ka masyadong pahalata." tinapik-tapik pa yung balikat ko kaya naman tinanggal ko.
"Anong 'wag mag pahalata pinagsasabi mo diyan?"
"Sus! Todo deny pa si emotero! Wag ganun pre! 'Di bagay!" tumatawa pa ang mokong. -___-
"Umayos ka Luke ah! Baka gusto mong pagulungin kita."
"Haha! Joke lang naman eh!" tapos nag-peace sign pa siya.
"Pero hindi nga, seryoso na. Pre 'wag mo naman kasi ipahalatang nagseselos ka kayla Kian."
"Gago! Anong nagseselos!? Hindi kaya!"
"Hindi raw. Eh bakit mo iniiwasan si Dom?" tanong naman ni Sean.
"W-wala lang. Trip trip lang. Nakakasawa na kasi mukha niya."
BINABASA MO ANG
Stuck in a Team
Teen FictionWhat will happen kung ang isang promdi girl ay pumunta sa Manila para maghanap ng trabaho pambayad sa utang nila? Babalik ba siya na wala ng problema o babalik siya na may dala pang dagdag na problema? Oh! And wait... She is working as a maid in a...