Chapter 72
PRINCE'S POV
1 year had passed at hanggang ngayon kami pa rin ng minamahal kong si Kislap. Maraming nangyari sa loob lang ng isang taon. Mas lalo kaming nagmahalan ni Kislap pero siyempre tulad nga ng sabi ng iba kahit gano man kayo katamis paniguradong may pumepeste pa rin.
Si Danica? Ayun masyado pa ring baliw na baliw sa'kin. Minsan nagseselos si Kislap pag nakikita niya kaming magkasama ni Danica pero wala lang naman yun sa'kin eh. Iniiwasan ko na nga si Danica eh. Pero eto talagang si Dan masyadong makulit. Hindi makaintindi. Nandiyan naman si Raphael na laging suyo ng suyo sa kanya.
And speaking of Raphael, ayun nung una hindi matanggap ni Kislap yung ginawa sa kanya pero etong si Raphael hindi niya tinigilan si Kislap hangga't hindi siya napapatawad nito. Sabi ni Raphael nagawa lang daw niya ang bagay na yun dahil sobrang mahal na mahal niya ang anak nila ni Danica at siyempre mahal niya rin daw si Dan. Kung ako ang tatanungin baka napatay ko na yang si Raphael at Danica sa katarantaduhan nilang ginawa kay Kislap pero dahil sobrang mabait 'tong babaeng mahal ko wala rin, eventually napatawad niya rin si Raphael. Hindi ko na siya pinakealaman pa dahil yun ang gusto niya. Baka magalit pa at iwan ako. Mabuti nang sigurado. Hahaha.
Nandito ako ngayon sa parking lot ng isang exclusive na hotel. Hinihintay ko siya, gamit niya ang kotseng niregalo ko sa kanya last month nung monthsary namin.
Oo. Marunong na siyang magmaneho. Syempre sino pa ba ang magtuturo sa kanya kundi ako lang na nag-iisa niyang poging boyfriend! Haha.
Alam niyo ba kung anong espesyal sa araw ngayon?
*beep*
Wait. Nagtext na mahal ko.
From: Kislap
Hoy Paa! Happy 1st Anniversary! Sorry male-late ako ng dating may dinaanan pa ako. Malapit na ako. Diyan ka lang okay? Wag kayong maglandian ni Danica tignan mo mangyayari sayo. I love you! :*
Kita niyo na? Masyadong selosa talaga pag dating kay Danica. Haha. At oo 1st Anniversary namin ngayon!!! Takte! Kahit lalake ako kinikilig pag nagsasabi ng 'I love you' sa'kin si Kislap. Pero nabasa niyo naman kung gano siya kasweet diba? 'Hoy Paa!' raw? Mahal na mahal talaga ako. Tsk.
To: Kislap
Ang sweet mo talaga babe! Kung maka-hoy ka parang hindi mo ko boyfriend ha! I love you too. Ingat sa pagmamaneho! :*
May hinanda akong surprise para kay Kislap since 1st anniversary namin ito. Wag kayong maingay ha! Pinaghandaan ko to ng mabuti. Dahil mahal na mahal ko talaga tong babaeng to.
"Hey!" May babaeng tumawag sa'kin at niyakap ako mula sa likod ko. Nilingon ko siya dahil akala ko siya si Kislap pero hindi pala.
"Tsk. Danica ano ba? Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na layuan mo na ako!"
Hinawakan niya ang isa kong kamay at nilagay niya ito sa mukha niya. Hinaplos niya ang mukha ko. "Don't you miss me Prince? 'Cause I miss you so much!" She said then suddenly gave me a quick kiss on my lips.
"Danica! What the f*ck! Stop this!" Sigaw ko sa kanya at ayun hinalikan niya lang ulit ako sa labi.
***
DOMINIQUE'S POV
Papunta na ako ngayon sa meeting place namin ni Paa. Kinuha ko lang yung painting na ginawa ko para kay Paa. Pinaghirapan ko yun gawin ha. Kala niya siya lang lagi may surprise tuwing monthsary namin? Haha. Tuwing monthsary kasi namin lagi niya akong sinu-surprise. Ano naman kaya ngayon sa Anniversary namin?
BINABASA MO ANG
Stuck in a Team
Teen FictionWhat will happen kung ang isang promdi girl ay pumunta sa Manila para maghanap ng trabaho pambayad sa utang nila? Babalik ba siya na wala ng problema o babalik siya na may dala pang dagdag na problema? Oh! And wait... She is working as a maid in a...